Advertisers

Advertisers

Incoming DOJ Sec. Remulla bukas na muling siyasatin ang drug case vs Sen. de Lima

0 281

Advertisers

OKEY sa susunod na Justice Secretary sa ilalim ng papasok na administrayon na i-review ang drug cases na isinampa laban kay Senador Leila de Lima.

Ito ay kasunod ng recantations ng tatlong indibidwal na may kinalaman sa kaso na ayon kay Remulla ay maituturing na cause of concern at isang red flag na mayroong mali.

Matatandaan na tatlong indibidwal ang bumaligtad sa kanilang alegasyon laban kay de lima na nakulong ng mahigit 5 taon dahil sa drug trading charges.



Ito ay sina self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, former Bureau of Corrections Rafael Ragos at ang co-accused ni de Lima at dating aide na si Ronnie Dayan.

Maliban sa pag-review ng kaso ni Sen. de Lima, nais din ni Remulla na maipatupad ang national criminal justice information system na maging central database para sa pending cases o complaints sa National Bureau of Investigation o Bureau of Immigration at ng korte.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">