Advertisers

Advertisers

Pasasalamat hatid nina BBM-Sara at Atty. Lopez sa mga Manilenyo

0 267

Advertisers

NAGPASALAMAT si Atty. Alex Lopez sa lahat ng mga Manilenyong sumuporta sa kanila at lalo sa nananalong pangulo ng bansa at bise pesidente nitong nagdaang May 9 elections.

Nagtungo si Lopez sa Sinag Community Center sa  Barangay 805, Dist. 6, ML Carreon, Pandacan, Manila nitong umaga ng Mayo 27.



Naging daan si Lopez upang ipahatid nila Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at Vice-President Inday Sara Duterte ang kanilang taos pusong pasasalamat kung saan nakakuha sila ng mataas na boto laban sa kanilang katunggali na sinasabing balwarte ang Maynila.

Samantala, nagpapasalamat din si Lopez kay BBM sa patuloy na pagsuporta nito sa lungsod ng Maynila.



Ayon kay Atty. Lopez, tuloy tuloy ang gagawin nila pagseserbisyo sa mga Manilenyo.  At hindi sila titigil sa paglulunsad ng mga magagandang programa para sa kapakanan ng nakararaming mamanayan.

Hiniling ni Lopez na patuloy tayong magtulungan lalo na sa loob ng anim na taong panunungkulan nina BBM at Sara para sa tunay na pagbabago at sa ikauunlad ng bansa.