Advertisers

Advertisers

Cristine nagbago ang ugali nang mainlab sa foreigner; Liza at James iniuugnay

0 391

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING nahihiwagaan at nabigla nang maispatan sa isang showbiz event sa Tate sina Liza Soberano at James Reid sa Gold House.
Kaya marami ang napaisip na bakit di ang bf na si Enrique Gil ang kasama ni Liza sa nasabing event.
Sinuportahan na lang ng manager niya si Liza sa hangarin nito na matupad ang pangarap nanmaging Hollywood star.
Kakaririn nga raw ni Liza na ma- invade ang International scene ayon kay Mama Ogs na kanyang manager.
Kung bakit si James ang naispatan ay pareho raw naimbitahan ang dalawa.
Kung bakit wala si Enrique nagpunta nga raw ito ng Spain para sa kanilang family event o reunion.
Magkaibigan lang daw sina James at Liza.
Ang alam ng manager ni Liza ay sila pa rin ng aktor na si Enrique at huwag nga raw bigyan ng malisya ang pagkakita kina Liza at James nang sabay sa isang event sa Amerika.
***
SA panayam ni Vice Ganda sa kanyang show ay sabay nito na isinalang ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes.
Pero sa obserba ni Vice sa sissy ni Ara na si Cristine, nanibago at laki nga raw ng pagbabagong napansin ni Meme Vice kay Cristine.
Anu- ano nga bang pagbabago na ‘ yun na napansin ng TV-host comedian.
Mayumi at di na raw malakas humalakhak na Cristine nga ang napansin ni Vice.
Sa kadaldalan nga raw dati ni Cristine kapag guest sa show ni Vice puwede na raw di ito mag- host.
Ibinuking naman ni Ara na inlab ang kanyang sissy na isang foreigner.
Nasabi na lang ni Vice, iba raw talaga ang nagagawang pagbabago sa tao ng pag-ibig.
Well, well, well…’Yun na!