Advertisers

Advertisers

Kylie malaking hamon ang serye na ukol sa bilyar

0 389

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISANG malaking hamon para kay Kylie Padilla nang tanggapin niya ang alok ng Kapuso Network na maging lead actor sa first ever sportserye na gagawin ng GMA-7, ang “Bolera na kasama ni Kylie sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Ms. Jaclyn Jose, Gardo Verzosa, Joey Marquez, David Remo, Via Veloso at Al Tantay. Mula sa direksyon nina Dominic Zapata at Jorron Lee Monroy at mapanunuod na simula sa May 30 sa GMA Telebabad.
Una kasi sa lahat ay walang kaalam-alam si Kylie sa sports na billiard kaya kinakailangan pa niyang mag-aral at matuto dapat ng naturang sport game.
At sa tulong naman ng mga propesyonal ay nalagpasan ito ni Kylie with flying colors to the point na parang nakahiligan na rin niyang maglaro ng billiard. But to make thing worse, sa istorya ng “Bolera” ay isang right-handed billiard player ang kanyang role, sa totoong buhay kasi ay kaliwete si Kylie.
”When the role was offered to me, kinabahan ako kasi wala talaga akong alam about billiards. But they told me they will train me at noong naglalaro na ako, I really fell in love with the game. Lalo na nasa locked in set kami in Clark, Pampanga. So maraming oras para mag-practice at yun ang ginawa namin ng mga kasamahan ko sa cast, pati sa crew, naglaro kami ng billiards.
”Nahirapan ako in projecting na marunong talaga ako and a professional player, kasi kaliwete si Joni and I’m really right handed.
I had to really train using my left hand and my coaches helped me a lot. I told myself, kaya natin ito,” say ni Kylie.
***
MALAKING hakbang ang ginawa ng Miss Philippine Earth 2019 na si Janelle Tee para sa pangarap niyang maging isang artista. Literal na hinubad ni Janelle ang lahat pati ang korona para sa pangarap na pag-aartista.
Hindi ganun kadali para kay Janelle na tanggapin ang alok na maghubad sa isang movie kahit isang kontrabida ang kanyang role. Una siyang nagpaka-daring at binigyan ng magandang break sa isang girl love movie na “Putahe” with Ayanna Misola, naging very daring sa sumunod niyang movie kahit kontrabida ang kanyang role sa “Pusoy”.
At ngayon ay ganap nang bida si Janelle sa first ever movie na ginawa ng batikang direktor na si Jose Javier Reyes sa Vivamax, ang “Secrets”, start streaming on June 10.
Ang “Secrets” is about how temptation can bring out your darkest, deepest secrets. Isang scary journey ng magdyowa na ginampanan nina Janelle at Benz Sangalang, na nagkaroon ng problema sa kanilang relasyon hanggang sa mapasubo sila sa isang ultimate test and revelations habang nasa supposedly relaxing vacation in a beach resort.
Gaano kahirap para sa isang beauty queen na tulad ni Janelle na kuntodo pabulosa sa pananamit, ang maghubad sa harap ng kamera?
”Kailangan kong baliin ‘yung pagiging beauty queen na nakakahon lang ako sa roles na kailangan maganda, kailangan best friend ka ni ganito. I would forever get those roles if hindi ko babaliin ‘yung ganoon and hindi ko ipapakita na kaya kong maging isang magaling na aktres,” say ni Janelle alang-alang sa pangarap na showbiz career.
”If being sexy would be the starting process towards that, then I am embracing it fully now,” say pa rin ni Janelle.