Advertisers

Advertisers

Nanibago sa tagal na nawala.. Anne pumalpak sa prod number sa pagbabalik-Showtime

0 1,256

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SIMULA nang maispatan sa Gold House sa Los Angeles ang alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano na kasama pa si James Reid marami na nga ang nagduda kung nasa poder pa ba ni Ogie si Liza or nasa pamamahala pa ng writer-vlogger host.
Sinagot na nga ni Ogie ang mga tanong kung siya pa ba ang namamahala ng karera ni Liza.
Tinapat na nga ni Ogie ang mga tanong at bungad nito na di naman daw siya nagdamdam.
True na di na nga ito ang manager ni Liza at ang Gold Gala na ang hahawak sa karera ng aktres.
Hanggang May 31, 2022 pa naman daw ang kontrata ni Liza at ini- ask naman ni Ogie kung gusto pa nito mag-renew ng kontrata.
Sumagot nga ang gf ni Enrique Gil na di dahil gusto naman nito ma-invade ang dream nito na makapag-Hollywood.
Sino ba naman si Ogie para pigilin ang pangarap ng alaga na abutin nito na maging Hollywood star.
Kung doon nga raw maggro-grow si Liza ay hinayaan na nito na walang sama ng loob at hinanakit.
Bagkus nagpasalamat pa ang Talent Manager sa alaga at sinabi nito na malaki ang utang na loob nito kay Liza dahil timing ang pagdating nito para matugunan ang pangangailangan nito sa anak na si Miracle.
Kaya may utang na loob din si Ogie sa alagang si Liza.
***
NICK NANGIT INIHAHANDA NA BA ANG SARILI SA DARING ROLE. OR HIGIT PA
KAPANSIN- pansin sa mga posted pics ng nag- iisang Spirit Questor, radio host, writer at vlogger na si Nick Nañgit sa kanyang mga larawan na takaw silip.
Unang larawan nga ay ang pagpapasilip nito ng umbok ng kanyang puwet na nakadapa sa dalampasigan.
At ang Isa ay ang nakatayong naka-topless with matching pa star sa kanyang nipple.
Sa new posted pics nito ay nakalublob naman ito ng hubu’t hubad sa loob ng bathtub habang hinahanap ang kanyang kasuotan pangbaba para matakpan ang maselang parte ng kanyang katawan.
Kaya nagtatanong ang kanyang mga kabunganga followers kung magpapaka-daring na ba si Nick? Abangan sang department ito mapapadpad, sexy, ST or pene.
Ayaw nina Lampel Cojuangco, Olga Miranda at Irma Alegre na mga PeneStar
Hmmmp??
***
LABIS na paghingi naman ng sorry si Anne Curtis sa madlang pipol sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime.
Sa isang production number naman sing and dance ang Anne para sa famous na awitin ni Ariana Grande na Breakfree.
Nagkamali naman si Anne sa kanyang prod number kaya nlna take-2 ito.
Nanibago marahil si Anne at bumalik ang nerbiyos nito ng isasalang na para sa kanyang prod. number.
3 years ba naman nawala sa limelight si Anne kaya parang nangangapa nang isalang na.
Buti na lang daw at naunawaan si Anne ng Madlang Pipol, the show must go on lang.
Well, well, well…’Yun na!