Advertisers

Advertisers

AJ pagsasabayin ang pag-aartista at pag-aaral; Ariel balik-serye after 2 years

0 472

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MULA nang lumaganap ang pandemya sa buong mundo halos dalawang taon na rin ngayong 2022 ay ganun din ang haba ng panahon na hindi lumabas si Ariel Rivera sa teleserye.
Sa paghinay kasi ng pandemya ay nasabak si Ariel sa hosting job sa isang daily noontime show and unfortunately ay nag-volunteer siyang umalis na lang nang mag-cost-cutting ang naturang show. Ngayon ay muling babalik sa akting si Ariel sa latest teleserye na ginawa ng Kapuso Network, ang “The Fake Life” kasama sina Beauty Gonzales at Sid Lucero.
Ayon kay Ariel, nang ialok sa kanya ang karakter niya sa naturang serye ay agad niya itong tinanggap sa kadahilanan sa mga oras na yun ay nais niyang makagawa ng isang proyekto na muling magpapabuhay ng kanyang ‘dugo’ sa pag-aartista.
“I thought it was time. The two years, I was not acting, I was doing a lot of concerts. So I thought I wanted to venture into acting again. When this was offered to me I really was so happy, unexpectedly happy,” he said.
I’ve never been given this role where it was physically, emotionally demanding. That was difficult to me, a lot of preparations that I had to do for this role, and continue to prepare for this day,” say ni Ariel.
***
SA ilang linggo palang ‘pananahimik’ ni AJ Raval sa mundo ng showbiz dahil sa mismong galing sa bibig ni AJ na lie low na muna siya sa showbiz at gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang schooling at makakuha ng diploma sa kolehiyo, heto may pa-blind item agad sa sexy nymphet ng Vivamax na ay buntis raw ito kaya ‘mananahimik’ sa showbiz at saka lang babalik pag nakapanganak na.
Sa sariling social media account ay nagulat na lang ang kanyang followers nang bigla ay nag-upload si AJ ng mga larawan na nagti-training siya para humawak ng knife at ng baril kasama ang kayang bagong leading man para sa isang maaksyong pelikula na gagawin ni AJ under Vivamax, ang “Sitio Diablo”, na si Kiko Estrada. Ayon sa direktor ng movie na si Roman Perez Jr., magsisimula na sila mag-shooting ngayong papasok na June. At hindi raw siya papayag na walang paghahanda para sa kanyang mga lead actor sa mga maaaksyong eksena kaya puspusan na ng workshop ng dalawa.
May gusto kayang patunayan si AJ sa pagpost niya ng mga larawan na siya ay nagti-training? Di kaya nais lang niyang patotohanan ang sinabi niya noon na gusto niyang maging isang action star tulad ng kanyang amang si Jeric Raval at ginawa niya lang ang paghuhubad bilang stepping stone para mapansin sa showbiz?
Kayanin kaya ni AJ ang pag-aaral at pag-aartista na pagsabayin? Only time can tell.