Advertisers

Advertisers

P20.9B panibagong utang ng Pinas aprub na – ADB

0 308

Advertisers

APRUBADO na ng Asian Development Bank (ADB) ang panibagong utang ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $400 million o katumbas ng P20.9 billion.

Ayon sa ADB, layon ng bagong pautang na makatulong sa domestic capital markets at masuplayan ang long-term finance lalo na para mapondohan ang mga programa sa imprastraktura.

Tinataya kasi na may kakulangan pa o finan-cing gap na nasa P2 trillion hanggang sa taong 2030.



Nagpaliwanag pa ang ADB, na ang panibagong utang ng Pilipinas ay upang suportahan din ang recovery sa mga industriya na matinding tinamaan ng pandemya.

Kabilang dito ang mga micro, small, and medium-sized enterprises (MSMEs) na itinuturing na “backbone” ng ekonomiya ng Pilipinas.



Naniniwala rin ang Asian Development Bank na ang bagong loan ay makakatulong din sa Pilipinas na mailatag ang tamang “environment” para makaengganyo pa ng ng mga long-term investors.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">