Advertisers

Advertisers

3 manggagawa patay sa suffocation

0 355

Advertisers

Nasawi ang tatlong construction nang makalanghap ng chemical mula sa hinuhukay na bridge column para sa itatayong tulay sa Malunay, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus Loresto Largo III, 19, ng Brgy. Dallas, Labo, Camarines Norte; Mac Mac Largo Valenzuela, 18, ng Brgy. Masalong, Labo Camarines Norte; at Sandy Azuelo Basillo, 27 anyos, ng Maculabo, Paracale, Camarines Norte.

Sa report, 3:00 ng hapon ng maganap ang insidente sa Sitio Sampiro, Brgy Patabog, Mulanay, Quezon.



Ayon sa ulat, abala ang mga biktima sa paghuhukay ng lupa sa lalim na 7.5 metro para na bridge column para sa itatayong tulay ng mawalang ang mga ito ng malay.

Agad naman tinulungan ng mga kasama ang mga biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan upang malapat ng lunas ngunit hindi na ito umabot ng mga buhay.



Hinihinala ng mga a otoridad na na-suffocate ang mga biktima ng makalanghap ang mga ito ng chemical o gas mula sa hinuhukay na lupa.

Patuloy naman ang isinasagwang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng naganap na aksidente (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">