Advertisers

Advertisers

CPP-NPA-NDF NASA LIKOD NG “BUNGKALAN” SA TINANG TARLAC PARA MADISKARIL ANG BBM ADMIN – DATING REBELDE

0 479

Advertisers

PINANGUNAHAN at inudyukan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang mga kaguluhang nangyari sa Hacienda Tinang sa may Concepcion Tarlac nitong nagdaang linggo.

Ito ang ibinunyag ng dalawang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF sa ‘virtual’ na balitaan ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC) kahapon.

Sinabi ni Christopher Garcia dating alias “Ka Warly” ng komunistang-teroristang grupo na ngayon ay board member na ng Sambayanang Gitnang Luzon na Ang terminong “Bungkalan” ay kilos kampanya ng CPP-NPA-NDF sa mga pinagaagawang lupain gaya ng nangyari sa Hacienda Luisita.



“Ito ay pagpapalawak din ng baseng-masa (mass-based) at balikan ang mga lugar na dati nilang hawak. Alam namin yun dahil naranasan namin yan,” paliwanag ni Garcia, na Ang tinutukoy ay muling pagpapalakas ng pwersa ng mga komunistang-terorista upang again ang pamahalaan.

Aniya ang insidente sa Hacienda Tinang ay unang hakbang lamang upang idiskaril ang panunumpa sa tungkulin ng bagong Administrasyong ng Pangulong Bong Bong Marcos.



“Ayaw nilang maupo si BBM,” ang sabi naman ni Ka Pong Sibayan, babaeng miyembro dati ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Sibayan, ang ‘bungkalan’ ay para din makarecruit ng mga kabataan at makahingi ng pondo sa mga banyagang bansa.



“Negosyo nila (CPP-NPA-NDF) yan. Binubulsa naman ng mga lider ang nakokolektang pondo at di napupunta sa mga magsasaka,” paliwanag ni Sibayan.

Tinuro din ng dalawa sina Renato Reyes ng Bayan Muna, Pia Montalban at Joyce Ann Nepomuceno ng Karapatan, bilang mga “CPP-NPA-NDF urban operatives” na kilala sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.

“Hihimukin ang mga magsasaka hanggang June 30,” sabi ni Ka Warly, gaya raw ng nangyayari sa Hacienda Mutya na malapit sa Hacienda Tinang at sa Barangay Central na malapit naman sa Hacienda Luisita sa pangunguna naman ng that “Anak Pawis” at Unyon ng Manggagawang Agrikultura (UMA) bilang mga taga-udyok sa mga magsasaka.

“Gusto nilang pag-away-awayin ang mga magsasaka para magulo ang bagong Administrasyong,” dagdag pa niya.

HANDA ANG PNP

Ang Philippine National Police (PNP) sa Region 3, ay naghayag ng kanilang kahandaan sa anumang maaaring mangyari at mga asuntong inihain sa Commission on Human Right (CHR) laban sa kanila.

“We have done only our duty. Take considerations of both parties. I will stand by my men, to answer the charges filed against us,” ani Baccay.

Samantala, sinabi naman ni UnderSecretary Lorraine Badoy ng NTF-ELCAC na Ang balitaan ay naglabas ng katotohanan’ laban sa kumakalat na maling balita tungkol sa ‘bungkalan’ sa Hacienda Tinang.