Advertisers

Advertisers

Si Sara lang ang sakalam!

0 330

Advertisers

PLANO ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumuo ng Vice Presidential Security Group (VPSG) na magse-secure sa kaligtasan ng Pangalawang Pangulo ng Pilipinas, “Inday” Sara Duterte-Carpio.

Pag nangyari ito, si Inday Sara na ang sakalam. Siya ang kauna-unahang seserbisyuhan ng VPSG.

Ang mga naunang Bise Presidente ng bansa ay secured na ng Presidential Security Group (PSG).



Bakit kaya naisipan ito ngayon ng AFP? Duda ba sila sa PSG ni incoming President Bongbong Marcos Jr., na hindi ito maging loyal sa kay Vice President-elect Inday Sara? Magkaalyado naman sina BBM at Inday Sara ah?

Bakit sa termino nina outgoing President Rody Duterte at Vice President Leni Robredo hindi ito naisip ng AFP eh hindi magkaalyado ang dalawang ito at nagkakainitan pa palagi sa mga polisiyang ipinatutupad ng administrasyon?



Kapag nagkaroon ng hiwalay na grupo o opisina na magbabantay sa Presidente at Bise Presidente, dagdag gastos ito. Dahil kailangan magkaroon ng kanya-kanyang budget ang bawat tanggapan ng security group. Mismo!

Si VP Inday Sara naman tuwang-tuwa sa plano ng AFP. Siempre! Hindi yata naisip na dagdag gastos ito sa gobierno ng Pilipinas na baon na baon na sa utang, gawa ng tatay niya. Hmppp!!!



Rason niya: “This AFP initiative also highlights the importance of having an independent group that will provide all Philippine vice presidents with the necessary security and protection. That foresight was demonstrated in this activation was likewise highly laudable – that it maybe expected to solve the challenges if, in future elections, the vice president and the president face the misfortune of having strained relations.”

Kunsabagay tama rin ang rason na ito ni Inday Sara, pero doble gastos na naman ito mula sa kaban ni Juan dela Cruz. Ewan!

***

Higit isang linggo na ang preparasyon para sa inagurasyon ni incoming President BBM na gagawin sa National Museum sa pusod ng Maynila sa Hunyo 30 (Huwebes).

Higit isang linggo naring sarado ang mga kalye sa paligid ng Museum. Kaya isang linggo nang grabeng trapik sa lugar. Marami nang motorista at commuters ang nababanas rito.

Kung bakit naman kasi dyan pa sa busy roads sa paligid ng Museum ginawa ang inagurasyon? Sana sa PICC o sa Quirino Grandstand (Luneta) nalang para hindi nakakasagabal sa daloy ng trapiko.

Ang mga nagdaang presidente nag-inagurate na hindi naman ganito ka-busy at ka-bongga. Si late PNoy nga sa Barangay Kapitan sa Tarlac lang nanumpa noon eh. Si Digong sa Malacanang lang nanumpa. Dito kay BBM, ibang klase talaga ang mga sumisipsip. Hindi na inisip ang malaking gastos sa kabila na marami nang umiiyak sa hirap ng buhay natin ngayon. Ewan!

***

Muling tataas ng higit piso kada litro ang krudo sa mga susunod na araw.

Sa mga probinsiyang tawid-dagat, lagpas P100 na kada litro. Sa Metro Manila, lagpas P90.00

Baka after inauguration ni BBM ay lagpas P100 narin kada litro ng krudo at gasolina sa Kamaynilaan. Pag nangyari ito, mababawasan uli ang mga bumibiyaheng jeepneys, taxis, bus, tricycles. Problemang malaki ito!!!