Advertisers

Advertisers

Negros Oriental, excited sa pag-upo ni Gov. Henry Teves

0 413

Advertisers

TILA na tinadhana na talaga Governor-elect Bayawan City Mayor Pryde Henry Teves ang maging gobernador ng Negros Oriental dahil sa makikitang kasabikan ng mga tao na ma-upo na ito upang masimulan ang tunay na pagmamahal nito sa bawat Negrosanos.

Ngayong linggo na ito ang oathtaking ni Governor-elect Teves na siyang sinasabing tulad ng pangalan nito na Pryde at siya rin na PRIDE ng bawag Negrosanos dahil tiwala ang mga mamamayan sa magandang magagawa nito sa probinsiya.

Na-i-proklama si Gov. Teves ng provincial election officer noong nakaraan Mayo 10 matapos itong humakot ng 296,897 na boto at manguna sa ibang naghangad kabilang si Gob. Roel Degamo.



“God is good all the time. And, all the time, God is good. Hindi po masasayang ang tiwala na inyong ibinigay. Ang aking puso at isipan ay itututok ko lang sa ikabubuti ng bawat Negrosanos. Panahon na para puspusang umunlad ang Negros Oriental,” pahayag ni Teves.

Sa kabila ng pangugulo ng isang natalong kandidato, nananatili ang isipan ni Gob. Teves sa mga dapat unahin at mga dapat linisin sa oriental na makakatulong ng Malaki sa pamumuhay ng mga Negrosanos ayon dito.



Ayon sa bagong gobernador, lilinisin nito ang kurapsyon sa probinsya at bubusisiin man kung ano ang mga anomalyang nagkaroon sa probinsya mula sa dating pangangasiwa ng mga nanunungkulan dito.

“Panahon na po para linisin at payamanin ang probinsya. Kailangan nating mapa-asenso ang pamumuhay ng Negros Oriental. Sisiguraduhin natin na mararamdaman agad po ito ng bawat mamamayan ng Negros Oriental,” pagtatapos ni Teves.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">