Advertisers

Advertisers

Kaya pa Kai!

0 357

Advertisers

Kahit walang humugot kay Kai Sotto sa NBA Rookie Draft ay may pag-asa pa rin siyang makalaro sa liga nina LeBron James at Steph Curry. Opo at maging kauna-unahang purong Filipino na maglaro sa pinakasikat na liga ng basketball sa buong mundo.

Pwede papirmahin siya ng isang prangkisa bilang undrafted rookie gaya nina Udonis Haslem ng Miami Heat, Ben Wallace ng Detroit Pistons, John Starks ng New York Knicks, Avery Johnson ng San Antonio Spurs at pati itong si Austin Reaves ng LA Lakers.

Kung wala pa nakakakursunada sa kanya ngayon ay maaari siyang magpakitang ng husto sa NBA Summer League kung saan maraming scout ang nakamasid kung may papasa sa kani-kanilamg mga koponan. Yan din nais ni Coach Tim Cone na magiging staff ng Miami sa palaro tuwing tag-init sa Amerika.



Kung di pa rin umubra ay mag-try siya sa G-League. O kaya balik siya sa NBL sa Australia. Posible rin sumali siya sa Gilas muli lalo na para sa World Cup sa isang taon. Dito kung maganda laro niya tiyak mapapansin din siya ng mga coach.

Maraming possibilities talaga tutal 20 anos lamang siya. Batang-bata pa.



Ang hindi siguro na-factor in maigi ng mga namamahala sa mga NBA team ay ang potential sa marketing nang pagpili nila sa 7’2 na higanteng Pinoy. Oo project pa siya kumpara sa ibang cager pero siya lang bukod tanging Pilipino na nagrerepresenta ng 100 milyong tao na sobrang hilig sa basketball. Grabeng laki niyan. Alam naman natin na hindi lang showcase ng pinakamahuhusay na basketbolista ang NBA, negosyo rin ito. Halimbawa subukan siya ng Sacramento Kings eh di instant hit sa Manila ang mga laro nila bukod pa sa dami ng mga kababayan natin sa California. Aba manonood mismo yan sa venue at selling like hotcake ang mga merchandising material nila. Rookie minimum lang naman ang suweldo ng anak ni Ervin Sotto.

Sana mapag-isipin nila ito ng mabuti.



***

Totoong iba na ang Blackwater ngayong season. Sa mga nagdududa pa ay dapat mapanood ninyo dapat mga laro ng Bossing nitong conference. Aba’y 3-1 na W-L record nila habang sinuslat natin ang pitak na ito matapos tambakan ng 37 na puntos ang Terrafirma Dyip na pareho nilang pinakabata sa liga.

Masdan ninyo kilos ng mga player ni Coach Ariel Vanguardia. Matindi na opensa, tapos mahigpit talaga sa depensa.

Mga beterano mula kay Jayvee Casio at mga baguhan gaya ni Ato Ular ganda ng blending. Nagtutulungan sa loob ng hardcourt. Nag-uusap sa ikahuhusay ng game nila.

Siguradot uwang-tuwa ngayon si G. Diolcedo Sy. Pati tagahanga ng team nila tiyak nadagdagdan na ng mga tagahanga.

Siyempre lahat gusto sa panalo lalo’t underdog