Advertisers

Advertisers

Angel nagbabala sa pagkalat ng fake Chinese product na ‘di ineendorso

0 191

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

NASA bakasyon ngayon sa Spain ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce at makikita ang pagbabahagi ng kanilang larawan na masayang-masaya ag aktres.
Samantala, nakarating na nga kay Angel ang kumakalat na fake ad na siya mismo ang nakalarawan.
Ipinakita ni Angel ang fake ad ginamit sa Chinese brand.
Itinanggi ni Angel na ini-endorso niya ang nasabing Chinese product.
Isi-share rin ng aktres ang larawan na kinuha na ipinatong lang para magmukhang legit ang Chinese product.
Parehong-pareho ang larawan ng Chinese brand na pics at larawan nito na orig na ini-endorso nito dati na gatas.
Kaya nagbigay ng babala si Angel sa mga bibili ng Chinese brand na ‘yun na never niya itong ini-endorso.
***
Kylie niyayang pakasal ng
dayuhan
SA isang fashion show ay ibinahagi ni Kylie Versoza ang pagrampa nito na nakasuot ng bridal gown.
Maraming na-impress na kelot sa wedding gown ni Kylie. Kaya maraming napa-comment na netizens na broom na lang daw ang kulang.
May isa pang komento na nainlab nang bonggang bongga ang isang netizen sa dating ni Kylie.
Saad pa ng isang netizen na napakasuwerte raw ang lalakeng magiging hubby nito.
At ang ikinaloka naman ng netizens ay nung may isang foreigner na nag-proposed ng kasal kay Kylie.
“You’re so beautiful I want to marry you!’ pag nandito nga raw sa Pinas ang foreigner ay pakakasalan nito si Kylie.
Hmmmp, ano kaya ang say ng ex-bf ni Kylie na si Jake Cuenca?
Well, well, well…’Yun na!