Advertisers

Advertisers

Living with Irving!

0 215

Advertisers

Makakabuti ba si Kyrie Irving sa Lakers bilang kahalili ni Russell Wesbrook?

Yan ang magandang tanong ni Tata Selo. Eh di suriin natin.

Unahin natin ang disadvantage. May attitude at injury history ang Australian-born na player.



Mula nang lisanin ni Kyrie si Lebron James at Cavaliers noong 2016 dahil ayaw na niya ang papel ng Robin kay Batman ay palipat-lipat na siya at di nakakasundo ang nililipatan na team. Napunta ang guard sa Boston na hindi naman niya kinayang bitbitin. Tapos nagtandem sila ni Kevin Durant sa Brooklyn at dinagdag pa si James Harden nang sumunod na season. Umayaw sa Covid vaccination at nagka-pilay pa. Kaya hayun di rin nagtagumpay. Heto naman ang bentahe.

Oo mas mahusay siya kay Russell. Mas magaling sa shooting lalo sa tres kaya mas bagay kapares nina LBJ ay AD. Komo threat sa malayo ay ayos spacing ng Lakers sa kanya. Mas mababa ang sweldo na $37M.



Mas bata pa kaya matagal pa pakinabang ng koponan. Apat na taon pagitan nilang dalawa

Kaso ipit ang Lakers sa kontrata ni Westbrook na nagkakahalaga ng $47M ngayong taon at di naman nagklik ang Big 3 nila nina



LeBron at LeBrow. Kung susugal kay Kyrie malaking question mark din. Swak kaya ang posibleng bagong combination?

Ayon naman kay Ka Berong ay better version ito basta walang kasamang future draft pick na ipamimigay. Nguni’t yan yata hiling ng Nets para matuloy ang deal. Tapos nais nila ng isa pang cager para sa salary matching. $10M less ang kay Irving kasi.

Nais din ng Brooklyn mga draft pick para sa re-building process ngayong aalis na rin sa kampo nila si Kevin Durant.

Kayo ano sa palagay ninyo? Go ba or no go itong transaction?

***

Bukod sa Philippine Sports Commission (PSC) ay wala pa rin naitalagang opisyal ang bagong pangulo sa Games and Amusements Board (GAB).

Ikalimang araw na ni FM2 sa Palasyo nguni’t wala pang balita sa mga puwestong nabanggit na tungkol sa sports.

May tsismis na nilalakad daw ng ksalukuyang pinuno ng GAB na manatili as posisyon sa pamahalaan ng anak ng diktador.

Tiyak maraming interesado kaya pinag-aaralan pang maigi ng dayunyor ni Imelda.

O kaya hindi pa napapayag ang kursunuda at susunod ng todo sa kanya. Alin kaya sa dalawa ang problema?