Advertisers

Advertisers

May Diskriminasyon sa Kalookan?

0 328

Advertisers

We have the incredible privilege of serving in the highest offices in the state. We must prove ourselves worthy of our fellow citizens’ faith. We must be trusted to always place the public’s good above our own and to always choose fairness over favoritism. — Former governor of Connecticut Jodi Rell

PASAKALYE:

Bago ang lahat, hayaan n’yo po akong batiin ang aking mahal na kapatid na si Ate Connie (Ma. Consuelo Dela Cerna Cabrera-Santos) ng ika-71 kaarawan kahapon, Hulyo 7.



Tubong-Pasay kaming pareho subalit ang ate ko ngayo’y Bulacan girl na dahil sa lungsod ng San Jose Del Monte na siya nakatira sa nakalipas na ilang dekada.

Sa puso, si Ate Connie ay isang guro at nakapagtapos siya ng kanyang higher education and espesyalidad kaya siya ay isang ganap na doctor o Phd. Gayun man, sa gitna ng kanyang mataas na pinag-aralan, ang masasabi kong maipagmamalaki niyang nagawa ay ang arugain at mapagtapos ang nag-iisa niyang anak na si Leo (Jose Leonardo Teodoro Cabrera Santos) na isa ngayong prosecutor sa lalawigan ng Pampanga.



Wala nang magpapaligaya sa isang nilalang kundi sa makitang matagum pay ang sariling supling na maaaring mas may kapasidad ngayong gumawa ng kabutihan sa kapwa.

God bless . . . sis!



* * *

NAPABALITA na abut-abot ang pasasalamat ng mahigit sa 16,000 mga senior citizen sa lungsod ng Pasig makaraang ihayag ng pamahalaang na makakatanggap na sila ng pensyon mula sa city hall, ayon sa tanggapan ng Office of the Senior Citizen Affairs o OSCA.

Nilinaw ni Pasig City mayor Vico Sotto na inilunsad nila ang programa para sa pamamahagi ng local pension para sa mga senior citizens upset mabigyan ng kaunti tulong at pagkilala na rin sa mga kontribusyon sa lipunan ng mfa may edad na at nakatatanda sa lungsod.

Hinayag ni Sotto na sa datos ng pamahalaang lungsod, may 16,669 seniors ang na-validate na at makakatanggap ng 500 pesos kada buwan simula ngayong buwan ng Hulyo.

Ang mga kuwalipikado na tumanggap sa local pension na ito ay ang mga may edad na 65 taong gulang pataas na may dalawang taon nang nakatira sa Pasig, walang trabaho at

wala ding natatanggap na ayuda o pensyon maliban sa ipinapamahagi ng Department of Sowial Welfare and Development (DSWD).

Dito naman sa amin sa lungsod ng Kalookan ay 67 taong gulang umano ang binibigyan ng pension na PhP500. Sa polisiyang ito ay nagtataka lang kaming mga nakatatanda kung bakit kailangan pang palipasin ang ilang taon para mabigyan kami ng benepisyong tulad nito.

Ang alam ko po kasi ay kapag sumapit na ang isang indibiduwal ng 60-anyos ay isa na siyang senior citizen. Kaya naitatanong po naming mga may edad na kung bakit kailangang tumuntong ng mahigit 60 na taong gulang ang isang senior citizen bago tumanggap ng pension? Wala po kasi kaming makitang lohika p magandang pangangatuwiran pairalinm ang ganitong polisiya.

Bukod sa bagay na ito, ditto sa amin sa Barangay 33 Zone 3 sa Maypajo, pinipili din po ang binibigyan ng benepisyo at masasabing tanging mga senior citizen na kadikit lang po ng aming punong barangay ang nabibigyan ng pension at anumang biyaya na kaloob ng pamahalaan.

Ang idsinahilan pos a akin ng pangulo ng sangay ng OSCA ditto sa amin ay dahil sa kulang ang ibinibigay sa kanilang pondo mila sa city hall.

Baka naman puwedeng alamin ng aming bagong alkalde AYONG MALAPITAN kung tunay ngang may diskriminasyon sa pamamahagio ng biyaya para sa aming nakatatanda.

Salamat po . . .

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!