Advertisers

Advertisers

4 Local Priority Bills inihain ni Rep. Hatman sa Basilan at 1 taon na po ang Usapang Hauz!

0 304

Advertisers

Dapat lang sigurong mabigyan ng kaukulang atensiyon mga Ka Usapang HAUZ ng mga miyembro ng Kamara de Representante ang nais nitong si re-elected lone Dist. Basilan Representative Mujiv Hataman sa paghahain nito ng 4 local bills para sa development, welfare kabilang na ang healthcare, education at livelihood para sa kanyang mga constituents.

Pormal ding inihain ni Cong Hataman ang isang resolusyon na naglalayong pag-aralan ng kongreso ang Haij Coordination program ng gobyerno ng sa gayon ay mabatid o malaman kung ano ang dahilan sa sinapit na pagkakaantala ng mga Filipino Muslim pilgrims nito lang taon.

Personal na humahanga ang Usapang HAUZ kay Rep. Hataman dahil sa pagmamahal nito sa kanyang mga kababayan, serbisyo talaga ang nais hindi ang pamumulitika di tulad ng ibang mambabatas na mas maraming importanteng batas ang dapat unahin hindi yung palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport ang ginigiit ‘hay naku’



Sabi nga ng Mambabatas sa kanyang pananalita “Sa ating ikalawang termino bilang kinatawan ng Basilan, ating tututukan ang kalusugan, karunungan at kabuhayan ng mga Basileños. Ipagpapatuloy natin ang magandang nasimulan noong 18th Congress,” Hataman, former governor of the now-defunct ARMM, declared.

“Nakabangon na mula sa masamang imahe ng terorismo ang Basilan. At nagsimula nang mabuhay muli ang ekonomiya at turismo ng aming lalawigan. Kailangan lang nating sabayan ang pag-unlad ng mga mamamayan ng mga karampatang panukala na susuporta sa kanilang pag-angat,”



Kabilang rin pala mga Ka Usapang HAUZ sa 4 local bills na inihain ni Hataman ang panawagan sa mapalaki at mapalakas ang mga Ospital sa Basilan at gawing Basilan Medical Center, Basilan Science High School bukod pa ang Multi-Species Hatchery sa Isabela City at ang Basilan Sports Academy na pawang nakapaloob sa House Bills No. 1057, 1058, 1059 at 1060.

Paliwanag pa ng Mambabatas mga Ka Usapang HAUZ, “Nakita namin ang hirap ng walang pagamutan na kayang gamutin ang malubhang mga sakit. Kailangan pang bumiyahe papuntang Zamboanga City. Ilang beses na nangyaring binabawian ng buhay ang mga tao habang nasa biyahe. Nakakalungkot, pero ito ang dapat nating tutukan,”



Nais ring matutukan ni Rep. Hataman ang larangan ng palakasan at ito ang kanyang naging pahayag, “Isa rin itong punto ng pagkakaisa ng mga mamamayan, ang pagkahilig sa sports. Si Basilan Pride Joey delos Reyes na nanalo ng silver medal sa 30th Southeast Asian Games ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming kabataan. At may koponan kami sa basketball na nanalo na ng kampeonato sa MPBL sa suporta ng mga Basileños,”

Hiniling rin ng Mambabatas ang pag review sa government’s Hajj coordination program, he said it may be time to look into how Congress can aid, through legislation, in making the Hajj a great experience for Filipino Muslim pilgrims.

“Gusto sana nating malaman kung may problema ba tayo sa proseso ng koordinasyon, kung kailangang amyendahan ang batas para solusyunan ang mga ito, o kung panahon na ba para tingnan natin at gayahin ang modelo ng ibang bansa pagdating sa Hajj,”.

Happy 1st year anniversary Usapang HAUZ July 3 salamat po ng marami sa aming Boss Joey Venancio at sa bumubuo ng Police Files Tonite Mabuhay ..

***

Para sa inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com or mag Txt o tumawag sa 0935-2916036