Advertisers

Advertisers

DERMALOG EXECUTIVES PINAAARESTO!

0 1,706

Advertisers

Ipinaaaresto ng QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT (RTC) BRANCH 224 ang dayuhang INFORMATION TECHNOLOGY (IT) CONTRACTOR ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) na DERMALOG IDENTIFICATIONS SYSTEM GmBH (DERMALOG) dahil sa kasong QUALIFIED THEFT.

Nitong June 20, 2022 ay naglabas ng kautusang NON-BAILABLE ARREST WARRANTS si RTC BRANCH 224 PRESIDING JUDGE ZITA.MARIE MAGUNDAYAO ATIENZA-FAJARDO laban kina DERMALOG CHIEF EXECUTIVE OFFICER/MANAGING DIRECTOR GUNTHER MULL; PROJECT MANAGER MICHAEL SCHUTT; CHIEF FINANCIAL OFFICER RANDOLF SITZ; at PHILIPPINE REPRESENTATIVE LYNNE OCAMPO.

Nag-ugat ang ARREST WARRANT sa ESTAFA CASE na isinampa laban sa DERMALOG ng kanilang local partner na VERZONTAL BUILDERS, INC. (VERZONTAL) sa QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE noong nakaraang taon.., na base sa tala ay pumasok sa isang JOINT VENTURE AGREEMENT (JVA) ang dalawang kumpanya noong 2018.., na kasama ang HOLY FAMILY PLANNING CORP., at MICROGENESIS SOFTWARE., upang makilahok sa bidding para sa P3.19-billion DOTr ROAD TRANSPORTATION INFRASTRUCTURE PROJECT (LTO-Component A) na may kinalaman sa LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM o (LTMS).



Habang umuusad ang kanilang proyekto ay nagkaroon ng iringan at inakusahan ng VERZONTAL ang DERMALOG nang hindi pagbabayad ng kanilang 25 percent share matapos nilang makumpleto ang civil, mechanical, at electrical works na kailangan para sa naturang proyekto…, na Hindi rin umano sinabi ng DERMALOG ang tunay na halaga ng proyekto na inaprubahan ng LTO.

Sa resolusyong inilabas ng CITY PROSECUTOR, ipinunto na mas naaangkop ang kasong QUALIFIED THEFT sa reklamong ito dahil sa hindi pagbabayad ng wasto ng DERMALOG sa VERZONTAL… na ayon pa sa CITY ROSECUTOR, ang DERMALOG at VERZONTAL ay nasa isang JVA, kaya ang hindi wastong pagbibigay ng kaukulang bayad na batay sa kontrata ay maituturing na pagnanakaw.



Hindi rin malinaw kung ang pagbabago sa tunay na presyo ng proyekto ay may kinalaman sa audit issue na makailang beses na inilabas ng COMMISSION ON AUDIT (COA) kaugnay ng procurement contract sa pagitan ng DERMALOG at LTO.

Batay sa Article 310 ng Revised Penal Code na may kinalaman sa QUALIFIED THEFT.., ang mga akusado ay dapat patawan ng parusang mas mataas ng dalawang antas ang lebel kagaya ng pagkakakulong na hindi bababa sa dalawang taon at apat na buwan at isang araw hanggang anim na taon.



Matatandaan din na pinuna ng COA ang LTO sa kanilang audit reports na inilabas noong 2020, dahil sa pagbabayad nito sa DERMALOG sa kabila ng mga kakulangan at kabagalan ng LTMS project.

ARREST WARRANT SA DERMALOG DEPEKTIBO?

Mariing ipinunto naman ng DERMALOG na ang ARREST WARRANT ay DEPEKTIBO dahil walang pirma ng INVESTIGATING PROSECUTOR na si ASST. CITY PROSECUTOR RICK BRIAN DC LUNEZA.., na tanging si CITY PROSECUTOR VIMAR M. BARCELLANO ang nakapirma sa Resolution at sa Information na lumabas noong May 30, 2022.., at ang unang resolution ni ASST. CITY PROSEC. LUNEZA ay nagrekomenda ng dismissal sa kasong Estafa.

Ang siste raw nang iakyat kay CITY PROSEC. BARCELLANO ang RESOLUTION ni LUNEZA ay pinalitan ng una ang kaso sa mas mabigat na QUALIFIED THEFT mula sa ESTAFA.., at tanging si BARCELLANO lang ang nakapirma sa Information na ginawang basehan ni JUDGE ATIENZA-FAJARDO.

Kaya sinasabi ng mga DERMALOG OFFICIAL na ito ay depektibo tulad din ng warrant of arrest.., kaya maliwanag ang RESOLUTION at ang INFORMATION ay LUMABAG daw sa REVISED MANUAL OF PROSECUTORS na nagsasad na ang Resolution at Information ay hinanda at pinirmahan dapat ni INVESTIGATING PROSECUTOR LUNEZA, subalit wala itong lagda sa ginawang RESOLUTION at INFORMATION na may petsang iMay 30, 2022.

Ang pinaka -mahalagang elemento umano ng QUALIFIED THEFT ay dapat ang bagay o kaperahan.., ay pagaari ng nagsampa ng reklamo sa CITY PROSECUTOR’S OFFICE.., subalit, hindi pag-aari ng VERZONTAL ang halagang Php 797,505,023.52 na kumakatawan sa 25% ng total contract price na Php3,190,020,094.08 ng LTMS PROJECT.

Bukod diyan ay hindi raw tinapos ng VERZONTAL ang nasabing Civil Works at sa katunayan inabandona ang obligasyon.., kaya napilitan ang DERMALOG na tapusin at isatama ang mga Civil Works na inabandona ng VERZONTAL at napilitan na magdagdag gastos pa umano ang DERMALOG para rito.

Ang LTMS PROJECT ay hindi pa raw nakukumpleto, kaya walang basehan ang akusa ng VERZONTAL na natanggap na ng DERMALOG ang PROJECT PRICE na Php3,190,020,094.08 mula sa LTO. ., na dapat ay inihayag daw sana ng VERZONTAL na nakatanggap na sila ng halagang Php228,729,366.38 para sa mga nagawa nitong civil works.

Sa bulong ng mga HENYONG ABOGADO sa mga ARYA BUBUYOG.., ay CIVIL CASE daw ang dapat na isinampa sa mga DERMALOG OFFICIAL at hindi CRIMINAL CASE.., kasi, ang sistema ng ating BATAS KRIMINAL ay hindi maaring gamitin ng VERZONTAL para mangolekta ng obligasyon ng kanilang kasosyo!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.