Advertisers
HINDI kakasuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryong inalis sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), gayundin sa mga backer o mga taong nagproseso nito.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, hindi aniya ito patas dahil mayroong mga sinusunod na kondisyon bago tanggalin sa listahan kung kaya’t hindi sila maituturing na “criminally liable”.
Magsusumite aniya ang ahensya ng panibagong listahan sa National Economic and Development Authority (NEDA) at Malacañang.
Ayon pa kay Tulfo, pwedeng abutin pa ng ilang linggo ang paglilinis sa listahan dahil kailangan pang abisuhan ang nakalista at hindi basta pwedeng tanggalin na lang.
Naunang iniulat ng DSWD kay Pangulong Bongbong Marcos sa ikatlong cabinet meeting ay nasa 1.3 milyon mula sa 4.4 milyong benepisyaryo ng 4Ps tatanggalin sa listahan dahil hindi na ito maituturing na mahirap. (Josephine Patricio)