Advertisers

Advertisers

Alex kuryente ang tsikang nag-resign na sa Tropang LOL; Jona P70K ang budget sa mga alagang aso at pusa

0 285

Advertisers

Ni BETH GELENA

ADBOKASIYA na ni Jona Viray na mag-rescue ng aso at pusa kapag may nakikita siyang gumagala sa lansangan. Sadyang mapagmahal sa hayop ang singer.
Katunayan, 70 na ang overall na naliligtas niyang pets— dogs and cats.
Nilalaanan niya ng budget na P70K ang mga alaga monthly.
Ibinahagi ni Jona she finds fulfillment sa pangangalaga ngbaso at pusa.
Ayon sa singer, since 2009 nang mag-umpisa siyang mag-rescue ng aso at pusa.
Aniya sa isang panayam, yun daw pangangalaga sa mga hayop ang kanyang ginagawa kapag wala siyang show or karaketan.
Aniya pa, nu’ng 2021 ay naapektuhan ang performance niya sa ASAP dahil namomroblema siya kung papano niyang mailalagay sa magandang lokasyon ang mga naligtas na hayup.
Sey ng Fearless Diva, piority niyang makapag-build ng animal shelter para sa mga inaabusong hayop.
So far ay nakapag-provide na ng masisilungan ang 70 pets na P70K raw ang nakalaan niyang budget sa pagpapakain at maintenance ng mga ito per month.
Wala pa raw doon ang pagbisita sa veterinary clinic kapag may emergencies.
Sey pa niya, isa sa main motivators niya ang fur babies para pag-igihin ang pagtatratrabaho.
“Ginawan ko po talaga ng paraan, nagkasya naman po sila sa bahay ko. At may kanya-kanya silang lugar doon.
“Sumabay din kasi yun that time na kailangan na kailangan na namin maghanap ng permanent place for our animal rescues kasi lahat sila nasa bahay ko lang.
“Imagine having 30 something dogs at 40 something cats inside your house ‘tapos nag-pandemic pa so 24/7 talagang kasama mo sila lahat.
“Siyempre inaalagaan mo silang lahat, di ba.”
“Ang fulfillment ko po na nakukuha ko rito ay yung siguro po, napa-practice ko yung simpatya at empathy natin.
“Hindi lang sa mga tao kundi pati sa ibang creatures kasi, kumbaga, sila yung kino-consider natin na voiceless na creatures, di ba?
“So, sino pa ang tutulong sa kanila kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures,” mahabang esplika ng singer.
***
NABALITANG nag-resign na umano si Alex Gonzaga sa Tropang LOL.
Wala si Alex nu’ng mag back-to-back ang Tropang LOL at It’s Showtime sa TV5.
Bago ang sanib-pwersa ng TLOL at IS nung Sabado, July 16, kumalat na ang balitang nag-resign na umano ang younger sister ni Toni Gonzaga bilang co-host ng Tropang LOL.
Lalo pang nagkaroon ng espekulasyon nang hindi agad nakita si Alex kinabukasan sa noontime show ng TV5.
Lalo pa at hinahanap siya ng kapwa mga host sa pangunguna ni Billy Crawford.
May nagsasabing baka raw lumipat sa noontime show na binubuo ng AMBS, ang TV network ni former Senate President Manny Villar si Alex.
But sad to say, walang katotohanan ang balita dahil kasama si Alex sa live broadcast ng Tropang LOL noong Sabado, sa bago nitong timeslot na 11:00 a.m. hanggang 12:45 p.m.
Kahapon, July 18, live telecast pa rin ang programa at naroroon pa rin si Alex.
Kaya matibay na hindi totoo ang balitang iiwanan na niya ang nabanggit na noontime variety show ng TV5.
***
WIL PINAKILALA NA SI CARLA SA MAGULANG
In-introduce na ni Wil Dasovich si Carla Humphries sa kanyang family
Mismong ang vlogger at former Pinoy Big Brother housemate ang nagbalita last Saturday na ipinakilala na niya ang actress sa kanyang pamilya.
Makikita sa YouTube channel ni Dasovich nang dinala niya si Carla sa kanyang parents.
May dalang goodies ang celeb couple kung saan masaya namang inistima ng parents ni Wil ang actress.
“I’m so nervous to see you that I might be starstruck. I thought I have met you before because I’ve seen you so much,” sey ng ama ni Wil.
Na-meet din ni Humphries ang sister ni Wil na si Haley.
Sambit naman ng kanyang kapatid, “She’s amazing. She’s my new best friend now, obviously. I wanna be best friends with her.”
Si Alodia Gosiengfiao ang dating karelasyon ni Dasovich. Nagkahiwalay sila last November 2021.
Last April 2022, may posted photo naman si Wil with Carla na marami ang nagsasabing ang actress umano ang bago niyang karelasyon.
Ang larawan ng dalawa ay kuha sa Urban Light installment sa Los Angeles County Museum of Art.
Ngayon na lang uli nasundan ng balita tungkol sa dalawang personalidad.
Wala pa namang pag-amin mula kina Carla at Wil.
Komento nga ng netizens, “wala pang pag-amin, pero ang dinala na si Carla at ipinakilala sa magulang e ibang usapan na.”
May nagsasabi namang “ baka sa simbahan na ang tuloy nila.”