Advertisers

Advertisers

Huling dalawang linggo ng ‘Raising Mamay,’ puno ng rebelasyon

0 320

Advertisers

Ni BKC

TODO-abang na ang Kapuso viewers sa mga makapigil-hiningang eksena sa last two weeks ng GMA Afternoon Prime series na ‘Raising Mamay.’
Dahil sa ganda ng istorya, request ng ilang Kapuso viewers na ma-extend ang serye, “May book 2 dapat kasi dito sa amin sa Cebu maraming nanunuod ng Raising Mamay. Maganda po at may aral kang matutunan sa istorya.”
Hangang-hanga rin sila sa walang-kupas na galing ni Aiai delas Alas bilang Mamay Letty sa pag-arte, “Galing-galing ni Ms. Ai bagay sa kanya ang role. Sabagay kahit ano pa ang ipagawa sa kanya, talagang magaling siyang aktres at comedian. I salute you.”
Samantala, sunud-sunod ang dagok sa buhay ni Abigail (Shayne Sava) matapos mabaril si Bong (Antonio Aquitania). Hindi rin napigilan ni Abigail na komprontahin si Randy (Gary Estrada) dahil siya lang ang may motibo sa krimen dahil naging kabit nito si Sylvia (Valerie Concepcion) noon. Patuloy namang yayanigin ni Malou (Ina Feleo) ang buhay nina Abigail at Letty (Aiai Delas Alas).
Tutukan ang huling dalawang linggo ng Raising Mamay, mula Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Apoy sa Langit sa GMA Afternoon Prime.
***
Klea Pineda effective bilang kontrabida sa ‘Bolera’
MARAMI ang nakapansin sa mahusay na pagganap ni Sparkle star Klea Pineda sa kanyang first ever kontrabida role bilang si Golden Eye sa top-rating GMA primetime series na ‘Bolera.’
Talagang epektibo ang pag-arte ni Klea dahil sa dami ng naiinis sa kanyang karakter. Patunay na rito ang komento ng ilang netizens sa Facebook page ng GMA Network, “Ang taray mo as Golden Eye grabe sarap sabunutan! Galing gumanap! Mahusay ka, idol!”
Ayon pa sa ilang loyal viewers, na-stress daw sila dahil sa galit kay Golden Eye. Nag-reply naman sa comment section si Klea at pabirong sinabi na “Wag na kayo galit sa akin, sorry na.”
Mapapanood ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Lolong sa GMA Telebabad.
***
Lyca Gairanod, mapapanood na rin sa GMA-7
MAPAPANUOD na sa kauna-unahang pagkakataon sa GMA ang champion ng The Voice Kids Philippines Season 1 na si Lyca Gairanod sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, July 24.
Sa special episode ng well-loved comedy program, ibabahagi ni Lyca ang kanyang buhay bilang vlogger, artista, at isa sa successful singers ng kanyang henerasyon.
Magpapakitang gilas din si Lyca sa pag-arte bilang kontrabida sa isang nakatatawang improvised segment kasama sina Boobay at Tekla. Kasali rin siya sa iba pang laro at mga pakulo ng naturang show.
Abangan ang mga ito sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo ng gabi, pagkatapos ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ sa GMA-7.