Advertisers

Advertisers

Bong Go sa Executive: Suportahan restoration ng quake-affected cultural heritage sites, national landmarks

0 241

Advertisers

Binigyang-diin ang mandato ng Estado na pangalagaan, itaguyod at ipalaganap ang makasaysayang kultural na pamana ng bansa, inihain ni Senator Christopher “Bong” Go ang Senate Resolution No. 86 na humihimok sa Executive Department na suportahan ang pagpapanumbalik ng cultural heritage sites at national landmarks na nasira ng 7.0-magnitude na lindol na tumama sa Northern Luzon noong Hulyo 27.

Kasama ni Sen. Robin Padilla na isinusulong din ang nasabing resolusyon, nag-inspeksyon si Go sa ilang lugar na tinamaan ng lindol at personal na tinulungan ang mahigit 1 libong biktima sa Bangued at Lagangilang, Abra, at Vigan City, Ilocos Sur.

“Upon arriving in the town of Bangued last Sunday, 31 July, I and my team, together with fellow Senator Robinhood Padilla, were greeted by several destroyed houses, buildings and power lines,” ibinahagi ni Go.



“Meanwhile, in Vigan City, Ilocos Sur, parts of the facade of the 16th-century Vigan Cathedral have crumbled and cracks have marred some century-old ancestral houses and buildings in several other heritage sites,” dagdag niya.

Hindi nakaligtas sa mapaminsalang epekto ng lindol ang ilang makasaysayang lugar sa dalawang probinsiya na binisita nina Go at Padilla, ayon sa Department of Tourism. Kabilang dito ang Sta. Catalina de Alexandria Church at ang San Lorenzo Ruiz Shrine sa Abra, na parehong idineklara bilang National Cultural Treasures.



Samantala sa Ilocos Sur, naitala ang mga pinsala sa Vigan Cathedral at Syquia House, kapwa sa Vigan City; ang Bantay Bell Tower sa Bantay; at ang St. John the Baptist Church sa San Juan.

“These historical edifices serve as constant reminders of an important era in our culture where we are reminded of our diverse and symbolic history,” nakasaad sa resolusyon.



“Ang mga site na ito ay mga pangunahing atraksyong panturista, na nagbibigay ng kita para sa mga lokal na naninirahan. Ang mas mabilis na pagpapanumbalik ng mga site na ito ay makatutulong na matiyak na maibabalik ng mga tao ang kanilang mga kabuhayan sa lalong madaling panahon at mapangalagaan ang ating kultura at tradisyon,” iginiit ni Go.

Sinabi pa ng resolusyon na ayon sa Department of Labor and Employment, “libo-libong indibidwal sa mga lugar na naapektuhan ng lindol ang nawalan ng trabaho, kabilang ang mga nagtatrabaho sa mga establisyimento ng turismo.”

Para isulong ang disaster resilience sa bansa, muling idiniin ni Go ang pangangailangang lumikha ng Department of Disaster Resilience at magtatag ng mandatory evacuation centers sa bawat munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong bansa.

Layunin ng Senate Bill 188 na magtatag ng DDR na magsasama-sama sa lahat ng mahahalagang tungkulin at mandato na kasalukuyang nakakalat sa iba’t ibang ahensyang may kinalaman sa kalamidad.

Sa kabilang banda, ang SBN 193 o ang panukalang Mandatory Evacuation Centers Act ay magtitiyak na ang mga apektadong pamilya ay maaaring sumilong sa mga evacuation center na ligtas at may nakalaan nang pangunahing pangangailangan.