Advertisers

Advertisers

18-anyos palang bigtime tulak na, huli sa P272m shabu

0 279

Advertisers

TINATAYANG nasa P272-million ang halaga ng ipinagbabawal na gamot na nakuha mula sa isang teenager na nahuli sa buy-bust operation sa La Union.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief, BGen. Roderick Augustus Alba, nakuha ang ipinagbabawal na gamot kay John Paul Rupuesto, 18 anyos, at residente ng Cebu City.

Nasakote si Rupuesto sa isinagawang operasyon ng pinagsanib-pwersa ng mga otoridad sa San Fernando City, La Union, noong Biyernes.



Inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng multi-million illegal drug trade ni Rupuesto, na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 O Comprehensive Dangerous Drugs Act.