Advertisers
KAYANG- kayang pangasiwaan ni OIC ( E.D.) Atty. Guillermo Iroy ang operasyon ng Philippine Sports Commission.
Lalo ngayong maraming international sports events na pinaghahandaan partikular sa susunod na taong 2023,kelangan talaga ang isang mahusay na timon at eksperto sa sports management at iyan ay nasa kwalipikasyon ni Atty. Iroy- executive director at matagal nang naglingkod ahensiyang pang-sports ng pamahalaan at siyang nanombrahang OIC ni Pangulong Bongbong Marcos,Jr.
Hindi natin alam kung hanggang kelan magiging officer -in – charge si E.D. dahil mukhang naisasantabi sa priority list ni PBBM sa dami nang umuusbong na suliranin ng bansa ang dapat unahing asikasuhin ng Pangulo.
Kung tutuusin ay di na kailangan pang humanap ng ibang ia-appoint ni Presidente para sa chairman ng PSC,Nasa tungki na ng kanyang ilong at very much qualified kahit itanong pa sa rank and file ng PSC at sa mga atleta ng bansa ng mga NSA’s na palaging napaglilingkuran ni E.D.
Sana sa lalong madaling pabahon ay ikumpas na ni Apo Bongbong ang kanyang makapangyarihang wand na si Atty. Iroy na ang tunay na CHOSEN ONE…di po ba executive secretary Atty. Vic Roodriguez sir?
May isa nang Coo’ mmissioner sa katauhan ni Bong Coo.Tatlo na lang… ABANGAN!!