Advertisers
BUMARA ang dalawang malalaking bungkos ng ice plastic na may lamang shabu sa inodoro ng isang fast food chain sa Diversion Road, Barangay Triangulo, Camarines Sur, Martes ng madaling araw.
Sa ulat, 12:45 ng madaling araw, tinawagan ng pansin ng isa sa maintenance crew ng food chain ang kanilang chief manager na si Maria Cristina Pili dahil sa problema sa baradong toilet bowl.
Nang tingnan, nakuha ang dalawang ice plastic na nababalot sa kulay blue na packaging tape at may lamang shabu.
Mabilis na humingi ng responde ang mga kawani ng food chain sa Naga City Police Office at nadiskubreng droga nga ang laman ng nakuha sa toilet bowl.
Umabot sa 150 gramo ang timbang ng nakuhang shabu na nagkakahalaga ng higit P1 million na posibleng sinubukang i-flush sa toilet bowl ng kung sinong tulak.