Advertisers

Advertisers

Titser nalunod sa baha

0 295

Advertisers

NASAWI ang isang public school teacher nang tangayin ng baha habang tumatawid sa isang spillway sa bayan ng Bato, Camarines Sur, nitong Martes (Agosto 23).

Kinilala ang biktima na si Romeo Sison Jr., guro sa San Roque High School.

Ayon sa ulat, 5:45 ng hapon nang mangyari ang insidente nang tumatawid sa spillway sa Barangay San Vicente sina Sison at co-teacher na si Gemmo Intia habang tinutulak ang kanilang bisikleta sa abot hanggang tuhod na baha.



Sa imbestigasyon, tinangay ng malakas na agos si Sison at bigla nalang nawala, habang ligtas na nakalangoy si Intia at humingi ng tulong.

Makalipas ng dalawang oras narekober si Sison, may 50 metro ang layo sa spillway.



Nadala pa siya sa ospital sa bayan ng Nabua nguni’t idineklarang patay na.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">