Advertisers

Advertisers

Maguindanao ambush: 2 pulis patay, 3 sugatan

0 496

Advertisers

Dead on the spot ang dalawang pulis kabilang ang hepe ng Ampatuan Municipal Police Station habang 3 ang sugatan sa nangyaring pananambang sa Martes ng umaga sa Brgy. kapinpilan, AmAmpatuan, Maguindanao.

Kinilala ang mga nasawi na sina PLt Reynaldo Samson, hepe ng Ampatuan Mps; at PCpl Salipuden Endab, driver ng patrol car; habang sugatan sina PSMS Reynante Quinalayo, Pcpl Rogelio Dela Cuesta Jr., Pcpl Clint Marc Dayaday, pawang mga miyembro ng Ampatuan MPS.

Sa insiyal na impormasyon na inilabas ng Maguindanao PNP, maghahain sana ng warrant of Arrest laban sa wanted person ang hepe kasama ang kanyang mga tauhan nang tinambangan at pagbabarilin ng hindi nakilalang mga gunman.



Sa ngayon, itinaas ang alerto sa buong bayan ng Ampatuan, Maguindanao dahil sa pangyayari.

Kaugnay nito, naglunsad ang Philippine National Police (PNP) ng regionwide pursuit operations sa Central Mindanao laban sa grupo ng mga lawless elements na responsable sa pananambang sa police team.



Nangunguna sa naturang operation ang Provincial Mobile Force Companies ng Maguindanao Police Provincial Office sa mga lugar na nakapalibot sa Brgy. Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao kung saan naganap ang pananambang.

Inalerto rin ng Bangsamoro Region at Police Regional Office 12 ang Police Regional Mobile Forces para sa posibleng pagharang sa isang armadong grupo na pinamumunuan ni Abdulnasser Saptula Guianid na pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa dalawang tauhan ng PNP, kabilang ang town Police Chief ng Ampatuan, Maguindanao.



“We will verify the identity of the casualties and surely we will bring justice for the death of our own personnel,” sabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr.(Mark Obleada)