Advertisers

Advertisers

Lola, sinunog ng buhay ng anak at apo

0 482

Advertisers

Kalunos lunos ang sinapit ng 75 anyos na lola nang sunugin ng buhay ng sariling anak at apo sa Balingasag, Misamis Oriental.

Kinilala ang biktima na si Teofila Camungay, 75 anyos, na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Misamis Oriental Provincial Hospital sanhi ng tinamong third degree burn sa katawan.

Naaresto ang mga salarin na sina Jocelyn Cabusas, 49; Nicolas Cabusas, kapwa anak ng biktima; at mga apo na sina Reymer Carno, 30,; Rochel Ercilla, 30, granddaughter, Charlie Cabusas, 20; at Crisanto Ercilla, 22, na pawang taga Sitio Palipi, Barangay Baliwagan.Balingasag, Misamis, Oriental
Sa report, naganap ang insidente sa Sitio Pilipi, Brgy Baliwagan, Balingasag, Misamis Oroietal noong Agosto 26.



Ayon sa ulat, nagtulong tulong ang 11 miyembro ng pamilya na sunugin ng ang biktima dahil pinaniniwalaan ito ang dahilan nang kanilang paghihirap sa buhay.

Bukod dito, ang pagtutol ng biktima na kilalanin ang isa sa kanyang apo na lider ng kanilang kulto o grupo na ‘di nagustuhan ng pamilya kaya’t napagpasiyahan silang sunugin ang biktima.



Sinaklolohan ang biktima ng mga kapitbahay na nakakita sa pangyayari at dinala sa ospital kung saan ito biniwian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Sa pagresponde ng mga otoridad, natagpuan ang mga sunod na kahoy na pinaniniwlaan ginamit ng mga salarin sa pagsunod sa biktima.



Patuloy naman ang pagtugis sa ilang pang mga miyembro ng pamilya na tumakas matapos ang insidente.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balingasag Police Station ang mga nadakip na salarin na nahaharap sa kasong parricide.(Mark Obleada)