Advertisers

Advertisers

‘P2 FARE HIKE O TIGIL-PASADA?’

0 302

Advertisers

POSIBLENG tumigil na sa pamamasada ang marami sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan kapag hindi napagbigyan o naaprubahan ang hirit nilang dalawang pisong taas pasahe.

Pahayag ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) Pres. Lando Marquez, halos wala na aniyang kinikita ang mga kawawang tsuper dahil sa napakamahal na halaga ng produktong petrolyo.

Kaya kung ‘di aniya mapagbibigyan ang kanilang kahilingan na fare increase, mapipilitan ang marami sa kanila na huwag na munang pumasada.



Sinabi pa ni Marquez, sakaling ‘di umayon sa ka-nilang panig ang magiging desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ukol sa kanilang petisyon, agad aniyang magsasagawa ng pagpupulong ang kanilang hanay upang mapag-usapan ang kanilang susunod na hakbang.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">