Advertisers

Advertisers

Sunshine bumuwelta sa basher nang pag-initan na naging bold star

0 349

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

BINWELTAHAN ni Sunshine Cruz ang isang basher na nag-comment ng hindi maganda sa post niya sa kanyang Instagram account.
Ibinahagi kasi ni Sunshine ang picture ng masayang bonding ng tatlong anak niyang babae na sina Samantha, Angelina at Francheska, sa daddy nilang si Cesar Montano.
Makikita rin sa larawan na kasama ni Cesar ang bago nitong kinakasamang si Kath Angeles, at ang tatlo nilang anak na dalawang lalaki at isang babae.
Sa comment section, sabi ng basher, kaya na-turned-off kay Sunshine at naghanap ng iba ay dahil gumawa ng bold  movies noon ang aktes.
Na ayun nga, at inalmahan ng flawless na aktres ang kanyang basher. Ang sagot niya rito, “You know nothing about our lives. We dont know you kuya. Move on. [laughing in tears emoji]”
Nakakatawa naman kasi itong basher ni Sunshine, mukhang wala siyang alam tungkol sa mag-asawa. Hindi ba niya alam na noong niligawan ni Cesar ni Sunshine, ay nagpapa-sexy na ito? At tanggap ‘yun ng action star, kaya pinakasalan pa rin niya si Sunshine.
Iba ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dating mag-asawa. Ang pagkakaroon umano ni Cesar ng ibang babae noong nagsasama pa sila ni Sunshine, ang sinasabing dahilan. At hindi ang pagsabak noon ni Sunshine sa boldwagon.
***
NAG-ORGANIZE si Ara Mina ng isang intimate surprise dinner para sa kanyang mster na si Dave Almarinez noong Lunes ng gabi, August 29, na ginawa sa Admiral Hotel Manila. Dinaluhan ito ng mga malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa showbiz industry at  pulitika. At nandoon din ang anak ni Dave na si Kristen Almarinez, na naka-base sa Canada.
Ilan sa mga celebrities na present sa birthday dinner ay ang mga mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado, Patricia Javier at Doc Rob Walcher,  at Jan Marini at Gerard Pizzaras.
Nandoon din ang ate ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hormosa, Jose Sarasola, Jenny Miller, Teresa Loyzaga, at iba pa.
Siyempre pa, sa suprise na ‘yun ni Ara kay Dave ay sobra itong na-appreciate ng huli. Kaya naman panay ang pasasalamat nito kay Ara.
Ayon kay Dave, ang mga nakasama niya sa gabing ‘yon ay mga kaibigang nagkaroon ng impact sa kanilang buhay ni Ara, at hinding-hindi raw nila ito makakalimutan.
Sa  birthday message ni Ara para kay Dave, sinigurado niya na masusundan na ang kanilang mga anak. “Malapit nang dumating ang birthday gift ko sa’yo…. Mag-honeymoon na ulit tayo,” sabi ni  Ara.
Si Ara ay may isa ring anak mula sa dating karelasyon na si Patrick Meneses, na si Amanda Gabrielle.