Advertisers

Advertisers

Palakpak sa players, palpak si coach!

0 281

Advertisers

Ipinakita ng mga Pinoy ang suporta sa Gilas Pilipinas sa pagpuno ng SM MOA na halos 20,000 katao ang seating capacity.

Palakpakan sila paglabas nina Jordan Clarkson, Kai Sotto, Dwight Ramos at mga kakampi paglabas pa lang ng dugout.

Hiyawan naman sa round robin ng mga miyembro ng pambansang koponan lalo’t dunk ang tira.



Kaso noong ipinakilala ang head coach ay malakas ng boo ang dumagundong sa buong arena. Ganoon din reaksyon kapag nasa big screen ang mukha ng program director din ng SBP Hindi nila tanggap ang mentor.

Talo kasi sa huling game kontra sa Lebanon. Ayaw rin nila asal ng bench tactician mula pa nang masuspindi ito sa laro kontra sa Australia taong 2018 pa. Inis rin mga tao sa attitude. Nayayabangan sila. May pahayag pang no need na manalo kasi pasok na sa 32-team na FIBA World Cup dahil sa tayo main host. Naikumpara rin ang performance sa pinalitan nitong si Tab Baldwin.

Galit din mga mamamayan sa nepotism nito. Mangyari yung anak naman niya pinahawak sa U18 five ng bansa.

Ipinagtanggol naman siya nina Clarkson, Ramos at ni Kiefer Ravena. Dapat daw walang bastusan. Bahagi daw ito ng buong RP squad. Nasasaktan daw sila kung naririnig ang boo ng audience.

Si Aling Barang kahit sa telebisyon lang nanood ay naki-boo rin. Galit din ang ale sa mama.



Sa ganang atin ay karapatan ng mga tagahanga ang ipadama kanilang saloobin. Malinaw kasi sa kanila na palpak eh.

Kailangan irespeto rin yon ng mga player. Mapanuri ang mga fan. Nauunawaan rin naman natin mga player.

Kaso pagdating sa ibinoto nila sa pinakamataas na posisyon noong Mayo ay hindi natin sila maarok. Hehe.

Nandoon pa naman sa coliseum yung lider nating tinutukoy. Walang namboo o at least wala tayong narinig maliban sa isa.

Mahina nga lang ang cheer na B-B-M. Noong una hindi natin maintnidihan sa hina. Yun pala BeBeM nga.

***

Nagpapasalamat tayo kay Clarkson sa paglalaro niya bilang Gilas. Oo kahit tiyak may special compensation yan gaya ng claim ng Lebanese na si Wael Arakji. Pero nag-risk na ma-injure at ma-jeopardize career niya sa NBA. Kaso kailangan masabihan siya na ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib habang pinatutugtog ang Lupang Hinirang. Kitang-kita siya kasi na SM MOA at tv screen. Marahil sa susunod. Oks naman siguro yan kay Jordan.

***

Iba rin ang karisma ni Ramos sa tao. Mahusay na kasi at guwapo pa kaya crowd favorite. May tres at matapang mag-drive. Parang Jaworski noong araw. Sigurado magiging superstar ang 6-4 na Fil-Am guard. Pag-aagawan yan ng mga pangkat nina MVP at RSA.

Oo kahit dadaan siya sa drafting ay gagawa ng paraan ang dalawang mayayamang grupo na mapunta sa kanila ang 24- anos na cager.