Advertisers

Advertisers

Abogada, anak sugatan sa ambush

0 365

Advertisers

MASUWERTENG nakaligtas sa kamatayan ang isang abogada at kanyang anak nang tambangan sa Mandaue City, Cebu, Huwebes ng gabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Atty. Karen Quiñanola Gonzales, 43 anyos; at anak na si Keith, 19, kapwa ng Barangay Tawason, Mandaue City.

Sa report ng Madaue City Police, 9:00 ng gabi nang maganap ang pananambang sa Hernan Cortes St., Barangay Tipolo, Mandaue City.



Papauwi na ang mag-ina sakay sa kulay itim na Honda City (GEC 4697) at binabagtas ang kahabaan ng Hernan Cortes St. nang sabayan ito ng riding in tandem at pinagbabaril. Tinamaan sa leeg ang abogada, habang sa likurang bahagi ng katawan nasapul ang anak.

Dinala ang mga biktima sa pagamutan kungsaan kritikal si Atty. Gonzales, habang nasa ligtas na kalagayan ang anak nito. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">