Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
INAMIN ni Julia Barretto na graduate na raw siya mga pa-sweet role sa mga pelikula. Ayaw anya nya manatili sa nakasanayang role at gusto na tlaga niyang lumabas sa kanyang comfort zone.
Tsika ni Julia sa idinaos na presscon sa Botejyu Restaurant sa Estancia Mall, inihanda niya ang sarili sa role niya sa Expensive Candy at masasabing gutom siya sa papel na ginampanan sa pelikula.
Ang Expensive Candy ang pinakamapangahas na role na ginawa ni Julia at nagpaalam naman daw siya sa inang si Marjorie Barretto bago sumabak sa pagpapaseksi.
Dagdag pa ng magandang aktres, malaki umano ang tiwala niya sa kanyang direktor na si Jason Paul Laxamana kaya napapayag siyang gawin ang never pa niyang nagawa sa kanyang showbiz career.
Sinabi rin ni Direk Jason na taong 2016 pa raw nakatago sa kanyang baul ang istorya ng Expensive Candy at nang ialok anya niya ito ay nagustuhan naman ng dalaga.
Wala rin daw problema kay Julia ang pagganap ng mga mapapangahas na eksena dahil hinanda na niya ang sarili rito.
Bilang kapareha ni Carlo Aquino na nagdalawang isip din tanggapin ang sexy movie, happy si Julia na pumayag ang maituturing nang icon sa pagganap kaya napadali raw ang kanilang mga trabaho.
Panuorin ang naiibang Julia Barretto sa Expensive Candy na hatid ng Viva Films at ipalalabas na sa mga sinehan ngayong Sept. 14.