Advertisers
SIGURADONG tututukan ng Kapuso viewers ang upcoming historical fictional portal fantasy series na ‘Maria Clara at Ibarra’ na tampok ang makabagong pagku-kwento sa nobela ni Dr. Jose Rizal.
Magsisimula ito sa kwento ni Klay (Barbie Forteza), isang Gen Z na nursing student na gustong mangibang-bansa para magtrabaho. Isang araw, magigising at malalaman niyang napadpad siya sa mundo ng Noli Me Tangere ni Rizal.
Magtatagpo ang landas nina Klay at Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung saan makikita ang pagkakaiba sa ugali at kasanayan ng dalawang dalaga dahil sa kani-kanilang pinanggalingang henerasyon.
Makikilala rin niya si Ibarra (Dennis Trillo) at ang iba pang karakter sa nobela na magtuturo sa kanya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan.
Siguradong panibagong putahe na naman ito na ihahatid ng GMA sa kanilang loyal viewers na hanap ay world-class entertainment. Abangan ang next big cultural offering na ‘Maria Clara at Ibarra’ soon sa GMA.
***
Running Man Philippines, lalo pang humataw sa TV ratings!
MULI na namang pumalo ang TV ratings ng Running Man Philippines sa second week ng pag-ere nito sa GMA!
Nitong Sabado (September 10) ay nakakuha ang programa ng people rating na 14.3 percent sa National Urban TV Audience Measurement preliminary/overnight data ayon sa TAM data ng Nielsen Philippines. Lalo pang umarangkada ang ratings ng Running Man Philippines kahapon (September 11) matapos magtala ng people rating na 15 percent.
Umaapaw rin ang good vibes at positive feedback mula sa netizens! “Napakasaya niyong panoorin! Talagang tatawa ka lang nang tatawa mula umpisa hanggang dulo. Congratulations, Runners!” say ng ilang fans sa Facebook page at Instagram account ng programa.
Ang dami na ngang nagre-request na maging every night na raw sana ang kanilang bagong favorite reality game show tuwing weekend. Pero for now, manatiling nakatutok sa Running Man Philippines tuwing Sabado, 7:15PM at tuwing Linggo, 7:50PM sa GMA-7.