Advertisers
Patay ang dalawang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF) nang makaengkwentro ang mga sundalo sa isang checkpoint sa Shariff Aguak, Maguindanao.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang nasawing terorista.
Ayon Maj. Gen. Roy Galido, Commander ng Joint Task Force Central, naganap ang engkwentro sa Sitio Capok, Barangay Timbangan-Barangay Kuloy, Shariff Aguak, Maguindanao.
Nagsagawa ng checkpoint ang mga sundalo nang huminto ang salarin na sakay sa isang motorcycle.
Nang lapitan ito ng mga sundalo para inspeksyon lumabas ang mga terorista at pinaputukan ang mga sundalo.
Gumanti ng putok ang mga sundalo na ikinasawi ng dalawa sa mga suspek habang tumakas ang iba’t-ibang direksyon ang mga kasamahan ng dalawa.
Narekober ng mga sundalo ang 1 cal 45 at magazine na may 3 bala. Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng mga sundalo.
Patuloy ang pagtugis ng mga sundalo laban sa mga tumatakas na mga terorista. (Mark Obleada)