Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MASAYA ang hunk actor na si AJ Oteyza dahil nagbubunga na ang kanyang pagpupunyagi na makagawa ng pangalan sa showbiz.
Ayon kay AJ, aminado siyang challenging ang role niya sa nasabing obra na idinirehe ni Lester Dimaranan.
“Äko po isa sa members ng Seaborne 13 na kasama sa engkuwentro kina Marwan sa Mamasapano sa Maguindanao,” ani AJ.
Sey pa niya, masaya siya na makasama sa isang pelikulang makabuluhan at napapanahon.
“Iyon pong makabilang ka sa historical film na base po sa tunay na events ay isang malaking karangalan para sa akin. Feeling ko parang naging part na rin ako ng kasaysayan,” aniya.
Aniya, bilang paghahanda raw sa kanyang role bilang sundalo, sumailalim siya sa hand and combat operations na kailangan sa kanilang mga eksena.
Aminado rin siyang nahirapan siya sa shoot ng nasabing historical epic.
“Nag-shoot po kami during pandemic so medyo mahirap talaga. Tapos, sobrang exposed po kami sa init ng araw dahil ilang days kaming naka-lock in. Iyong iba, halos hinimatay sa tindi ng init ng araw,” kuwento niya. “Ang ginawa na lang po namin, lumublob kami sa tubig para maibsan iyong discomfort na nararamdaman namin sa pagkabilad sa araw,” dugtong niya.
Sey pa ni AJ, pangarap daw talaga niyang makilala bilang isang magaling na action star. “Noon pa naman po, ang gusto ko talaga ay mag-action pero lately kasi mga sexy movies po ang nao-offer sa akin,”paliwanag niya.
Kasama rin si AJ sa pelikulang “Showroom” na palabas na sa Vivamax.
“Ako iyong isa mga clients ni Rob Guinto sa movie na nang-abuso sa kanya. Tulad po ng mga naunang pelikula sa Vivamax, nagpa-sexy po ako. Ang kaibahan lang nitong pelikulang ito, hindi ako pinatay tulad noong mga nagawa ko kasama sina Chloe Baretto at Christine Bermas,” kuwento niya.
Hirit pa niya, hindi rin daw big deal sa kanya ang mag-frontal nudity sa pelikula dahil nagawa na niya ito sa mga pelikulang Lockdown, Moonlight Butterfly at Tahan.
“As long na kailangan naman siya, gagawin ko sa ikagaganda ng pelikula,” pagtatapos ni AJ.
Bukod sa “Showroom”, ginagawa rin ni AJ ang mga pelikulang Pamasahe ni Roman Perez, Jr. at Boso Dos ni Jon Red.