Advertisers

Advertisers

Teves Cares Live… FB Live ni Cong. Arnie Teves, viral na naman

0 258

Advertisers

Nagsagawa muli ng panibagong Aksyon. Tulong. Solusyon FB Live si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves sa kanyang distrito kahapon upang patuloy maghatid ng tulong sa ibat-ibang dako ng bansa na muling dinumog na libo-libong netizens and viewers.

Nagiging bukang bibig at nakakaugalian ng na mga netizens ang abangan ang FB Live ni Cong. Teves na “Teves Cares: Aksyon. Tulong. Solusyon” hindi lang para sa tsansa na manalo sa raffle nito, bagkus ay natural at kagiliw-giliw ng style ng kilalalang matulungin na mambabatas.

Kagabi, sa FB Live nito, tuloy-tuloy na umani ng pasasalamat at suporta si Cong. Teves mula sa mga netizens na makikita sa mga matatamis na komento ng mga viewers mula sa ibat-ibang panig ng bansa.



Kakaiba ang istiulo ng mambabatas, dahil bukod sa ang pakay ni Cong. Teves ay makatulong. Nagbibigay din ito ng magaganda at makabuluhang payo sa mga netizens na may pinagdadaanan gaya na lang ng usapin sa pag-ibig.

Umabot ang tulong ni Cong. Arnie Teves ng Bogo City, Cebu hanggang sa Tabang, Mindanao. Kung saan sa Cebu ay tutulungan nito ang isang Purok sa Bogo City sa pamamamigitan ng binhi, garden tools at “sisiw” (manok) ang mga mamamayan dito para sa kanilang kabuhayan.



SA Mindanao naman, mabilis tumugon si Cong. Teves ng tulong sa Kunintem Elementary Schoo, Tabang, MIndanao dahil sa lubhang naapektuhan ito ng Bagyon Paeng.

Bukod dito, kinabukasan matapos maminsala ang Bagyong Paeng, nagpadala din agad ito ng relief packs sa CALABARZON. Sa Cardona, Rizal, pinaunlakan nito ang hiling ng Parent-Teacher United Advocates Association of the Philippines, Inc. (INC) na mabigyan ng ilang yero ang mga naliparan ng bubong at iba ay good packs bilang tulong.



Sa abot kaya ng mambabatas, nagpadala din ito sa ibang lugar gaya ng Gen. Trias, Cavite na agad nagbigay ng donasyon sa isang pamilya na nalunod ang 9 na anyos na anak sa kasagsagan ng Bagyong Paeng.

Sa Zambales, pakikipagtulungan sa Philippine Eagle’s Mandaragit Charter Club, tumulong din ng ilang sakong bigas sa mga Aetas community ang mambabatas mula sa Negros Oriental.

Kada FB Live nito, mararamdaman ang mainit na pag-tingkilik sa programa ng libo-libong netizens partikular na ang mga natatawagan gamit ang random raffle system na siyang namimili ng maswerteng mananalo sa raffle nito.