‘DI TULAD NG IBANG MOVIE OUTFIT, DIREK REYNO OPOSA KALIWAAN ANG BAYAD SA ARTISTA; JC GARCIA INIINTRIGA NG MGA MAPAGSAMANTALA
Advertisers
Ni PETER LEDESMA
NAKAKALOKA, may nakausap ang inyong columnist na sexy star na gumawa ng movie sa VivaMax at under kay Jojo Veloso. Na after ng shooting at trabaho ay hindi pa bayad hanggang ngayon.
Ang bold actress na ito ay naging artista ng kaibigan naming director-producer na si Reyno Oposa sa original film na “SILAB.” And in all fairness to Direk Reyno, bayad niya ang nasabing actress at kaliwaan siya magbayad sa mga kinukuha niyang artista.
Tulad ng anak ni Rosanna Roces na si Dennis Cruz (Onyok) na pinagbida ni Direk Reyno sa narrative drama movie na “TARAS,” bayad ito pagkatapos ng shooting niya.
Ang nakakalokah, may mga beterano pang artista si Direk na inutangan siya pero hwag na nating pangalanan at ‘yan ang pakiusap sa akin ng kaibigan kong director na owner ng Ros Film Productions.
Samantala, mapapanood niyo na pala sa digital platform ni Direk Reyno sa Youtube ang full movie ng kanyang sex-drama film (Rated R) na “THE SURROGATE” na pinagbibidahan nina Kate Denice at Andrew Lucas. Pakibisita lang ang link na ito sa mga gustong makapanood ng said movie: https://youtu.be/rXTGUT5RJpY. Ang The Surrogate ni Direk Reyno ay official entry sa FAMAS 2022 sa short film category. Ang ganda ng review ng critics sa latest obra ni Direk Reyno Oposa na balik Canada na.
***
EVERSINCE, lalo na ng maging successful sa kanyang buhay si Jc Garcia, ayaw na tantanan ng mga taong mapagsamantala ang international singer-dancer at manager ng kilalang company sa California, Hollywood.
Well, mabait kasi si Jc at madaling magtiwala. Pero dahil sa ilang beses nang naloko kahit naman siguro santo na sa kabaitan ay matututo sa mga taong ito na ayaw magtrabaho at gusto na lang iasa kay Jc ang kanilang pangangailangan.
Ang latest, may nag-imbento ng issue na may sex video umano na kumakalat si Jc. Sinupalpal nito ‘yung taong nagpapakalat na humanda ito at haharapin niya pagbalik ng Pinas. Oo nga naman, hindi naman bold actor ang kaibigan naming international recording artist kaya bakit siya magkakaroon ng scandal. So funny naman ito, di ba?
Well, never sumamba sa pera si Jc, kaya’t kapag meron siya ay sine-share niya ito sa mga pamilya at kaanak. At gusto nito na laging tini-treat na kumain sa labas ang kapatid o kuyang si Joey na kasama niya sa San Francisco, California na nagtatrabaho rin dito. Abala pala ngayon si Jc sa yearly charity for kids ng company nilang Security Public Storage sa California, Hollywood.
Ang project nilang ito ay tinawag nilang “TOYS for TOTS” na tumatanggap sina Jc ng mga lumang laruan ng mga bata. At kanila itong ipamamahagi this December sa mga kids.
Narito ang larawan ng ilan sa mga nag-donate kasama si Jc Garcia. Pinanood pala ni Jc, sa imbitasyon ng mga kaibigang sina Agnes at Krystar ang concert nina Morrisette, Erik Santos at Christian Bautista sa San Mateo Performing sa Sanfo. Aliw na aliw si Jc sa special guest ng tatlo na si AiAi Delas Alas.