Advertisers

Advertisers

Allen Dizon 48 awards na ang hinakot sa 25 years sa showbiz

0 304

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG A-list at multi-awarded actor na si Allen Dizon ay nagse-celebrate ng kanyang 25 years sa showbiz. Sa span na ito ng kanyang makulay na career, humakot na si Allen ng 48 acting awards sa iba’t ibang award-giving bodies at international film festivals.
Sa kabila ng mga parangal na ito, hindi pa rin tumitigil si Allen sa paggawa ng mga makabuluhang proyekto.
Ayon kay Allen, hindi niya inaasahan na magiging ganito ang takbo ng kanyang showbz career, na makakakopo siya ng napakaraming acting awards, 11 sa mga ito ay mula sa iba’t ibang international film festivals.
Siya ay kinilala rin bilang Hall of Famer sa FAMAS Best Actor at Gawad Pasado Best Actor.
Kasama rin dito ang prestihiyosong URIAN trophy bilang Pinakamahusay Na Aktor ng Taon para sa kanyang makatotohanang pagganap sa pelikulang Magkakabaung ni direk Jason Paul Laxamana.
Ang pelikulang Magkakabaung ang nagsimula para kilalanin na isang seryoso at mahusay na aktor si Allen.
Labis ang pasasalamat niya sa mga biyayang natamo sa kanyang career.
Wika ni Allen, “Napakaraming blessings akong natanggap sa career ko kaya walang katapusan ang pasasalamat ko kay Lord.
“Noong wala pa ako showbiz, nanonood ako ng awards nights at natutuwa akong nakikita yung mga kilalang artista na tumatanggap ng trophy. Nang mag-artista na ako, sabi ko, ma-nominate lang for best actor, kahit minsan lang, okay na sa akin. So talagang sineryoso ko ang pag-aartista ko, nag-effort talaga akong mas galingan ang craft ko, at kalaunan, it paid off.”
Kabilang sa mga natapos nang gawing pelikula ni Allen na kaabang-abang talaga ay ang Walker ni Direk Joel Lamangan, Abe Nida ni Direk Louie Ignacio na itinuturing ni Allen na most challenging role na ginawa niya so far, Pamilya sa Dilim by Jay Altarejos, Ligalig ni Direk Topel Lee na isang drama-thriller at unang pagsasama nina Allen at ng Superstar at National Artist for Film na si Ms. Nora Aunor, at Oras de Peligro ni Direk Joel.
Ang isa pang aabangang pelikula kay Allen ay ang Acetylene Love na ang makakasama naman niya ay ang Cannes Filmfest Best Actress winner na si Jaclyn Jose.
Mula sa pagiging sexy stud 25 years ago at miyembro ng Viva Hot Men, sadyang malayo na ang narating ni Allen at desidido siyang magpatuloy sa propesyong malapit sa kanyang puso.
“Hanggang sa may kumukuha sa akin, sige lang. Kasi, life is short and I feel na habang tumatanda ako, mas minamahal ko itong profession ko. Mas tumitindi ang passion ko sa ginagawa ko, just like Tito Eddie Garcia, na talagang active even in his 90s,” sabi pa ng aktor.