Advertisers

Advertisers

EX-MAYOR SUMUKO, 3 PANG KILLERS NG PISKAL TIMBOG!

0 219

Advertisers

SUMUKO sa pulisya ang dating alkalde ng Conner, Apayao habang naaresto naman ang tatlong bumaril-patay sa dating Piskal sa Ilagan City, Isabela.

Unang sumuko si dating mayor Leonardo Dangoy kay Colonel Jefferson Cariaga, Provincial Director ng Apayao Police Provincial Office, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Melchor Balawas nang malaman na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang Luna Regional Trial Court (RTC) Branch 26 sa Luna, Apayao.

Habang naaresto naman sa lalawigan ng Kalinga ang tatlo pang akusado na sina Arison Delgado, Jocel Sacaili at Glen Macsagan, pawang residente ng Kalinga, na sinampahan ng kaso kaugnay ng pagpatay kay Atty. Victor Begtang Jr., deputy fiscal ng City of Ilagan, Isabela Prosecutor’s Office, noong Hunyo 23, 2021.



Matatandaang binaril si Fiscal Begtang ng riding-in-tandem malapit sa kanyang bahay sa Malama, Conner.

Pansamantala nasa kustodiya ng Luna Police Station si Dangoy habang naghihintay ng ‘commitment order’ ng hukuman.

Nakatakda rin ipasakamay ang tatlo pang akusado sa APPO para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan.(Rey Velasco)