Advertisers

Advertisers

GOOD NEWS! BIGTIME BAWAS-PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO

0 209

Advertisers

MAGANDANG balita sa mga motorista!

Magpapatupad muli ng panibagong big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Atty. Rino Abad, batay sa kanilang pagtataya nasa apat na piso kada litro ang bawas-presyo sa kerosene at higit tatlong piso kada litro naman sa diesel.



Habang, higit piso kada litro naman ang tapyas sa gasolina.

Kinumpirma naman ni Abad na malaki ang indikasyon na magtutuloy-tuloy ang rollback bago matapos ang 2022.



Noong nakaraang linggo ay nasa dalawang piso ang bawas-presyo sa diesel at gasolina, habang piso naman sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang rollback tuwing araw ng Martes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">