Advertisers

Advertisers

Mag-utol na umawat sa “amok” kapwa patay

0 257

Advertisers

Batangas City, Batangas – Nasawi ang magkapatid na umawat sa isang nag-aamok nang pagbalingan sila, pinagsasaksak sa Linggo ng gabi sa Purok 1, Barangay Bilogo dito sa lungsod.

Kinilala ang mga biktima na sina Ruben Tonino, hepe ng mga tanod ng Barangay Bilogo; at Robinson Torino, kapwa nasa hustong gulang.

Kinilala naman ang salarin na si Reynaldo Barangas, residente rin ng barangay.



Sa report ng Batangas City Police Station, nagpunta sa bahay ng kaniyang bayaw si Barangas kungsaan ito nag-amok dahil ayaw umanong sumama ang ka-live-in nito.

Nagresponde ang magkapatid na biktima at sinubokan pakiusapan ang salarin. Subalit sila ang pinagbalingan nito, inundayan ng saksak.



Dinala sa ospital ang magkapatid subalit hindi na umabot ng buhay.

Nagawang makatakas ng salarin.



Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang pulisya laban kay Barangas.(Koi Laura)