Advertisers
ARESTADO ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang isang pekeng contractor na sangkot sa “build now, pay later” scheme.
Kinilala ni CIDG Director, Brig. General Ronald Lee ang naaresto na si Peter Francis Manalastas Miranda ng Metrogate Mining, Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Gen. Lee, nasa higit 20 katao na ang nabiktima ni Miranda.
Modus nitong magpanggap na isang lisensyadong contractor na nag-aalok ng murang pagtatayo ng construction project partikular sa Central Luzon at Davao Region.
Sa mga reklamong natanggap ng CIDG, matapos makapagbigay ng down payment ang mga biktima ay maglalaho narin na parang bula si Miranda.
Inihahanda na ang kasong ‘robbery extortion’ at ‘estafa’ laban kay Miranda.