Advertisers
BACOLOD City – Nasawi ang general manager ng isang local power cooperative nang barilin ito sa loob ng kanyang sasakyan sa kahabaan ng 16th Lacson Street, Barangay 7 dito Wednesday ng umaga.
Ang biktima ay kinilalang si Atty. Danny Pondevilla, ang namumuno sa Northern Negros Electric Cooperative (Noneco) at dating nagsilbing office-in-charge ng Central Negros Electric Cooperative (Ceneco).
Nasa loob ng kanyang sasakyan si Pondevilla na nakaparada sa harap ng BazketBCD hawker establishment nang putukan siya ng gunman sa likod ng kanyang uli, sabi ni Police Lieutenant Jonito Pastrana, hepe ng Police Station 2.
Sa pagresponde ng pulisya, nakakuha ang mga ito ng basyo ng bala ng kalibre .45 at isang slug ng bala.
Ayon kay Bacolod City Police Office (BCPO) director, Colonel Thomas Joseph Martir, mayroon na silang dalawang “persons of interest” sa krimen.
Isa sa persons of interest ay ang babae na kasama ni Pondevilla na nakaupo umano sa likuran nang barilin ang abogado.
Aniya, ang basyo ng bala at ang slug ay kaagad nilang ipinadala sa forensics laboratory, habang ang labi ni Pondevilla ay isailalim sa post-mortem examination.
Iniutos din ni Martir ang pagbup ng Special Investigation Task Group na tututok sa murder case.
Si Pondevilla, kilala sa tawag na “GM Dan”, ay nagtapos ng AB Political Science sa edad na 21, nagpatuloy sa Law at kapasa sa Bar sa edad 25.