Advertisers

Advertisers

Bgy. kagawad sinaksak ng selosong mister

0 134

Advertisers

KASALUKUYANG inoobserbahan sa pagamutan ang isang barangay kagawad nang saksakin ng selosong mister sa Barangay Villa Flor, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Danilo Leonador, kagawad ng Barangay Villa Flor, 55 anyos; habang ang nanaksak ay kinilalang si Rizal Manuel, 34, kapwa residente ng Barangay Villa Flor.

Lumalabas sa inisyal imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nagtungo si Manuel sa bahay ni Leonador at hinamon ng suntukan nang mapag-alaman na nakikipag-relasyon umano ang kagawad sa kaniyang misis.



Paglabas ng kaniyang bahay ng kagawad para kausapin si Manuel, nagkaroon ng komosyon hanggang sa sinaksak ng ice pick ni Manuel ang barangay official na tumama sa tiyan nito.

Naawat ng mga kaanak ni Leonador ang pananaksak ni Manuel at dinala ang una sa pagamutan.
Inaresto naman si Manuel ng rumespondeng mga tauhan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2IPMFC) at dinala sa himpilan ng Cauayan City Police Station.(Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">