Advertisers
ARESTADO ang dalawang miyembro ng Batingan group, na sangkot umano sa ilegal na droga at sunod-sunod na pagnanakaw sa syudsd ng San Jose Del Monte.
Sa report na tinanggap ni PRO3 Dir. Jess Mendez kinilala ang mga suspek na sina alyas “Toto,” 53, lider ng BATINGAN GROUP, at alyas “Pengas,” 42, anyos na kapwa nasa target list ng PNP at PDEA.
Inaresto ang dalawa via buy bust operation na isinagawa sa Brgy, Gumaoc West sa nabangit na lungsod Hulyo 9 ng gabi.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P68,000.00 at isang cal.45 na baril na may 4 na laive ammunation.
Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa San Jose del Monte jail facilitiy habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, gayundin sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.(Thony D. Arcenal)