Advertisers
Ni WALLY PERALTA
NOW it can be told na isang mahusay na artista talaga si Andrea Torres at natabunan ang pagiging sexy actress niya.
Mas pinag-uusapan ngayon ang husay sa akting na pinakita ni Andrea Torres bilang ang baliw na si Sisa sa number one teleserye ngayon sa buong bansa, ang “Maria Clara at Ibarra”.
Sa naturang eksena kung saan pinuri si Andrea, pinakita ni Andrea na mata palang umaakting na nga. Sa eksena kasi ay natagpuan niya ang anak na hinahanap na isa nang bangkay, as in tumingin lang si Andrea sa bangkay ng anak, tapos biglang tumulo ang luha. And here are the reactions of some netizens na hindi napigilan humanga sa husay ni Andrea.
“it’s amazing how @andreaetorres was able to quickly shift from hope to despair in this scene, the way she did this is very similar to how anne hathaway played fantine in les miserables — truly commendable, @kolejiyala”
“Losing one child is the most heartbreaking thing a mother can experience, and that’s what @andreaetorres showed and made the viewers feel! excellent acting + musical scoring + cinematography = another masterpiece and iconic scene, -Kapuso League”
“masyadong ginalingan nina Andrea, Dennis, at Barbie,-@itmemagp”
“ang galing ni Andrea! Tumingin lang sya tapos biglang tumulo ang luha. Naiyak din ako, -@bashgita ”
Sa mga natanggap na positive comments ay pinaabot naman ni Andrea ang kanyang pasasalamat.
“Hanggang ngayon medyo may tulala moments pa rin ako. Kasi first time mangyari sa akin ‘to sa career ko. Sobrang thankful lang ako talaga. Kasi grabe rin ‘yung kaba at pressure na na-feel ko nung natanggap ko ‘to,” say ni Andrea.
***
HINDI masasabing good or bad news ang pagbabalik-wholesome image ng guapong si Gab Lagman, para sa kanyang fans. O di nga ba, nagpistahan ang mga kababaihan at kabadingan nang ipakita ni Gab ang kanyang sexy side sa pelikulang “Bula”.
Pero sa bagong proyekto na ginawa ni Gab ay balik-patweetums ang kanyang role, una para sa seryeng “Rain in Espana” kasama sina Heaven Peralejo at Bea Binene at sa ipalalabas palang na comedy movie nila nina Jerald Napoles at Kim Molina na “Girlfriend Na Pwede Na” na showing this coming January 18 in cinemas nationwide.
Boypren ni Kim si Gab sa naturang pelikula pero natuklasan ni Kim na hindi seryoso sa kanya si Gab kaya nakuha niya rin na magpanggap na may third party sa kanilang relasyon, ang binayaran ni Kim para maging boypren kuno niya ay si Jerald Napoles.
What makes Gab decides na muling magbalik sa wholesome image kahit pa sabihin na tanggap at klik naman sa masa ang kanyang pagpapa-sexy?
“My management talked about it po kasi and I have this show upcoming and it’s very wholesome, “The Rain in España”. Ito naman po ’yong unang ginagawa ko before ko ginawa ’yong sexy film na ‘Bula’.
’Yon nga, my management talked about it na just go back po muna in doing wholesome projects, ” say ni Gab.