Advertisers
NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang Tinaga Island, Camarines Norte 5:57 ng umaga nitong Martes.
May lalim ang pagyanig na sampung kilometro at tectonic ang origin.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismoloy (PHIVOLCS) ang instrumental intensity 5 sa Daet, Camarines Norte; intensity 3 sa Jose Panganiban, Camarines Norte; Ragay, Iriga City, Camarines Sur; at San Roque, Northern Samar; intensity II sa Pili, Pasacao, Camarines Sur; Infanta, Gumaca, Mauban, Guinayangan, Mulanay, Alabat, Quezon; at intensity I sa Pulilan, Bulacan; Pasig City, Marikina City, Metro Manila; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal.
Ayon pa sa PHIVOLCS, asahan ang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.