Advertisers

Advertisers

3 bigtime ‘tulak’sa Cavite timbog

0 262

Advertisers

NASAKOTE ng mga elemento ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU 4A) ng Calabarzon ang tatlong high value individual (HVI) sa drug watchlist sa Cavite sa buy bust operation Lunes ng gabi sa Soldiers Hills Subdivision, Molino IV, Bacoor, Cavite.

Kinilala ang mga nadakip na sina Oliver Manato, John R. Deculano, at Susie Gongora, mga nasa hustong gulang at pare-parehong residente ng naturang subdivision.

Sa report sa tanggapan ni Calabarzon Regional Director, Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., nadakip ang tatlo nang kumagat sa bitag ng katransaksyon nilang isang pulis na poseur buyer.



Nakuha sa posisyon ng mga ito ang 4 plastic sachet na naglalaman ng 200 grams ng shabu na nasa P1,3 million ang halaga at 3 mobile phones na ginagamit ng mga ito sa transaksyon. (KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">