Advertisers

Advertisers

3 bagets timbog sa ‘syndicated estafa’

0 1,242

Advertisers

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District-Special Operation Unit ang tatlong indibidwal kabilang ang magkapatid sa Tondo, Manila Lunes ng gabi sa kasong ‘Syndicated Estafa’.

Kinilala ang mga naaresto na sina Bryan Carlo, 25 anyos, binata, nakatira sa Matimtiman Street sa panulukan ng Kagitingan, Tondo, magkapatid na Jane Erika Patrocinio, dalaga, at John Erwin, 27, binata, kapwa kapwa nakatira sa 1278 Sto. Nino St., Barangay 43, Moriones, Tondo.

Sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, may nakabinbing arrest warrant ang mga akusado na inisyu ni Judge Virgilio Macaraig ng Manila Regional Trial Court Branch 37 na may petsang January 12, 2023 sa kasong Estafa. May P54,000.00 piyansa bawat isa sa mga akusado.



Ayon kay Purisima, nang maaresto ang tatlo ay dumagsa ang mga complainant na mga nabiktima ng mga ito.

Sa ngayon, nasa 25 indibidwal na, aniya, ang dumating sa tanggapan ng DSOU na mula pa sa iba’t ibang lugar. Mayroon ding overseas Filipino workers (OFWs), taga probinsya, at Tondo na nabiktima ng mga akusado.



Modus nila ang alukin ng negosyo ang kanilang bibiktimahin sa pamamagitan ng pag-invest ng pera kapalit ng magandang interest.

Umabot na umano sa P50 milyon hanggang P70 milyon ang natangay ng mga akusado sa kanilang mga nabiktima.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">