Advertisers

Advertisers

KUYA EDWIN SAVES THE DAY FOR PARANAQUENOS

0 290

Advertisers

Ika nga sa wikang Ingles,

” all’s well that ends well”!

Makaraan ang maugong at kontrobersiyal na isyu sa kontrata ng basura sa lungsod ng Paranaque na inimbestigahan ng mismong liderato ng Konseho ng siyudad,tila humupa na ang tensiyon at problema at naisaayos ang mga dapat isaayos.



Sa likod ng mga kaganapang ito sa Paranaque LGU ay si Congressman Kuya Edwin Olivarez,ang kinikilalang ultimate workaholic public servant ng siyudad ang naglatag ng solusyon.

To the rescue si Kuya Edwin sa kaguluhan at suliraning na-encounter ng mga kapwa lider niya sa nasabing siyudad.



Nagkaroon ng dayalogo si Cong.Edwin sa buong

Konseho na isang napakagandang gesture ng mambabatas para resolbahin ang problemang dumating.



Bukod sa malawak na kaalaman,laging bukas ang kaisipan ni Kuya Edwin para sa mga tamang dapat isagawa regardless kung sino man ang tamaan.

Ika nga,prayoridad ng kongresista ang interes ng siyudad at ng mga constituents nito.

Nakita ni Kuya Edwin ang seriousness ng sitwasyon kung kaya’t sa sarili nitong inisyatiba ay gumawa ito ng aksyon.

At ngayon ngang unti- unti ng nagbabalik sa normal ang lahat,aasahan natin ang mga susunod na pagbabago at pagtatama sa mga maling sistemang umiiral ng nagdaang panahon.

Ang mga di dapat gawin at ikonsidera para di na mauulit pa ang pagkakamali.

Batid ni Kuya Edwin na nag- ugat ang problema mula sa integridad at kapasidad ng mga taong gumagawa ng vital decisions para sa pamahalaan lungsod.

Di man direktang tinukoy ng solon ang mga nagkamaling individual, tinumbok naman nito ang tamang solusyon sa naging problema.

Siyempre kung may mga maling dapat itama, katumbas nito ang pag- amin ng mga taong nagkasala at ang pagharap ng mga ito sa consequences na kanilang nagawa.

Habang nasa proseso pa rin sa pagsasaayos ng mga dapat iwasto, naghihintay ang mga Paranaquenos sa klase ng serbisyo na ipinagkakaloob ni Kuya Edwin sa kanila noong alkalde pa ito.

Transparent at tapat na governance para sa mga mamamayan

Naging matapat at decisive lamang talaga ang mga naging galawan ni Cong.Edwin Olivarez sa pagtugon sa krisis na pansamantalang kinaharap ng liderato ng lungsod.

Marami pa ang dapat isaayos ngunit ang mahalaga,muling nailatag ni Kuya Edwin ang inisyal na hakbang tungo sa tamang direksyong tatahakin.

Magkahiwalay man ang mandato ng legislative at executives branches ng Paranaque,nagawa ng mga ito na magkaisa at nag- compromise para sa kapakanan ng mga mamamayan ng siyudad.

For this,cheers sa men and women leaders ng Paranaque LGU

Kudos to Kuya Edwin Olivarez!

You’re the man!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com